ANG pagkakaroon ng maayos at functional storage ay nangangahulugang nagagawa mong maging malinis at maayos ang open surfaces, kaya malayang nakagagalaw ang chi. Mas magiging praktikal kung batid mo kung saan ang eksaktong kinalalagyan ng lahat ng mga bagay, upang makatipid ng oras sa paghahanap ng mga bagay.
Sa pagtatabi ng mga bagay, mahalagang panatilihing functional ang iyong storage hangga’t maaari. Ang lahat ng mga kaila-ngan ay dapat na accessible, madaling makuha, mada-ling linisin at magandang tingnan. Dapat mong pagkasyahin ang lahat ng mga item na nais mong itabi sa space available.
Ilagay ang lahat ng mga kailangang itabi sa gitna ng iyong kwarto at i-sort-out ang mga ito sa paraang nais mong maitabi, kung gaano mo ito kadalas gamitin, at kung saan ito dapat ilagay (halimbawa, hanging space, shelving o boxes). Ilang mga bagay ang dapat nakatabi sa iyong bedroom, bathroom o kitchen.
Sa pagtatabi ng mga bagay, isipin kung maka-tutulong kung ang mga ito ay makikita sa glass doors o sa jars, o dapat mong lag-yan ng label ang mga container.
Gumamit ng freestanding storage units hangga’t maaari upang magkaroon ka ng opsyong baguhin ang ayos ng iyong kwarto. Sa more flexible approach na ito, mas madaling mababago ang ayos ng mga kaga-mitan kung kinakailangan.
ni Lady Choi