TALAGANG seryoso si BoC-EG Depcom Ariel Nepomuceno na malansag ang sindikato ng ilegal na droga.
Mariin ang kautusan niya sa Enforcement group at anti-illegal drugs task force na doble trabaho ang ipatupad para mahuli ang mga magtatangkang magpuslit ng ilegal na droga sa ating bansa.
Kamakailan ay nakasote na naman ang grupo niya sa NAIA ng P20M halaga ng shabu sa pangunguna ng CAIDTF Executive Officer Lt. Sherwin Andrada at X-ray Unit chief Maj. Jaybee Cometa.
Prayoridad ni Nepomuceno ang kautusan ng ating Pangulong Duterte na all out war laban sa droga.
Napakarami na rin ng accomplistments ni Depcomm. Nepomuceno pagdating sa anti-smuggling.
Wala rin maririnig na reklamo sa mga broker at importers sa kanyang departamento.
Ang gusto niya ay magawa ang lahat ng atas ni President Digong sa Customs.
Kudos DepComm. Nepomuceno at sa iyong mga tauhan!
***
Binabati rin natin ang BoC-NAIA na katuwang ng enforcement group sa pagbabantay at pag-huli sa ilegal na droga sa pamumuno ni district collector Ed Macabeo, Robert Quintana at Dan Oquias.
***
Congrats sa bagong talagang NBI Deputy Director for Intelligence na si Atty. Eric Distor.
Trusted man siya ni Pangulong Duterte na tubong Davao rin.
Walang record ng katiwalian sa NBI at rose from the ranks.
God bless Atty. Eric Distor!
***
Nakasakote na naman ang BoC-CIIS under the leadership of Director Col. Neil Estrella at MICP-CIIS chief Teddy Sagaral and Asst. Chief Alex Ong at kanilang tauhan ng bawang at sibuyas na nagkakahalaga ng P4.2 milyon.
Natuklasan ang modus nang ipa-hold ni Chief Teddy Sagaral ang tatlong container na deklaradong bawang pero may palaman na sibuyas sa loob ng container.
Nakabibilib ang mga serbisyo publiko ninyo.
Mabuhay ang buong CIIS!
PAREHAS- Jimmy Salgado