Saturday , November 16 2024
crime scene yellow tape

5-anyos ginahasa’t pinatay ng 13-anyos (Bangkay isinako)

NATAGPUAN ang bangkay ng isang 5-anyos babaeng paslit na hinihinalang ginahasa at pinatay ng 13-anyos binatilyo sa San Jose del Monte City, Bulacan, kamakalawa.

Nakita ang bangkay ng biktimang si “Mika” sa loob ng sako ng bigas na iniwan sa damuhan. May nakapulupot na cable wire at strap ng bag sa leeg ng biktima.

Kuwento ng ina ng bikima, naglalaro ang anak nang mapansin nilang biglang nawala ang paslit.

Nang suriin ang CCT sa lugar, nakitang sinundan ni Mika ang 13-anyos kuya ng kanyang kalaro papasok sa bodega ng bahay ng suspek.




Makalipas ang kalahating oras, lumabas ang binatilyo na bitbit ang isang sako ngunit wala na ang bata.

Hawak na ng pulisya ang binatilyo na ayon sa kanila, hindi gumagamit ng droga.

Ayon sa hepe ng San Jose del Monte City Police na si Supt. Fritz Macariola, hindi umamin sa krimen ang suspek ngunit umiiyak nang tanungin kaugnay sa insidente.

Iniimbestigahan kung ginahasa ang biktima dahil may mga sugat sa ari ang paslit at may pinasok sa kanyang puwitan.

Nananawagan ang pamilya na mabigyan ng agarang hustisya ang pagkamatay ng biktima.

(MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *