Saturday , November 16 2024
gun shot

2 parak timbog sa boga (Sa Tondo bar)

ARESTADO ang dalawang pulis makaraan magpaputok ng baril sa isang videoke bar sa Tondo, Maynila, nitong Lunes ng madaling-araw.

Salaysay ng mga tauhan sa bar, lasing at nakasibilyan sina SPO2 Ryan Marcelo at PO2 Ramada Mupa nang dumating sa lugar.

Pagkaraan ay biglang naglabas ng baril ang dalawang pulis nang batiin sila ng dalawa pang kustomer na kanilang kakilala.

“Sabi, ‘Andito pala kayo sir.’ E di sabi, ‘Andito rin pala kayo, isang putok naman diyan.’ Bumunot na ng baril,” kuwento ng waitress na si Bea Guevarra.

Nadaplisan ng bala ang isang kustomer nang barilin ni Marcelo ang sahig.

Makaraan ito, nagkulong ang dalawang pulis sa bar. Dalawang oras silang hinimok ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team na lumabas sa bar.

Gayonman, binulyawan ni Marcelo ang nagrespondeng mga pulis pati ang kanyang ama na sumama sa negosasyon.

Kinalaunan, ginamitan ng SWAT si Marcelo ng taser gun saka pinosasan.

Idiniretso nila sina Marcelo at Mupa sa imbestigasyon. Dinala rin sa presinto ang dalawang kustomer na bumati sa mga pulis na sina Julius Ceasar Faustink at Augustus Ben.

Inaalam pa kung “issued firearm” ang ginamit ni Marcelo sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *