Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko:Hinahabol ng malaking ahas sa dream

DEAR Señor H,

Itatanong ko lng po, kc mdalas ako managinip nung bata pa po ako na hinahabol daw ako ng npakalaking ahas, pro bkit po hnggng ngyn kahit ang age ko ay 30 na mdalas ko pa rin un npapanaginipan taz minsan nga po pg mlapit nya na ko ma2ka bigla ako lumilipad! Sna po maipaliwnag nyo drem ko!

Ader po name ko ty po (09398052924)

To Ader,

Kapag lumabas sa iyong panaginp na may humahabol sa iyo, ito’y maaaring isa sa paraan mo sa pagharap sa takot, stress, at iba pang sitwasyon na nakae-enkuwentro mo kapag ikaw ay nasa estadong gising.

Sa halip na harapin ang sitwasyon ay tinatakasan mo at iniiwasan. Dapat mong piliting malaman kung sino ang humabahol sa iyo dahil posible kang makakuha ng clue ukol sa pinanggagalingan ng nararamdamang takot at pressure.

O kaya naman, bakit ka hinahabol, sa kaso mo, ng isang malaking ahas. Maaari rin na nagsasaad ito na karaniwang hinahabol ang nanaginip ng tao, hayop, mga kakaiba at nakatatakot na nilalang.

Sinasabing nagsisilbing wake-up call ang ganitong panaginip. Maaari kasing ikaw ay may isang bagay na hindi mo maamin sa iyong sarili. Ang mga elementong humahabol sa iyo gaya ng tao o hayop ay nagre-represent ng mga bagay na hindi mo matanggap.

At ang mga negatibong enerhiya at masasamang nilalang ay sumasalamin sa mga bagay o aral na dapat mong matutuhan.


Ang panaginip na ukol sa ahas ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may parating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, ngunit mayroong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay.

Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan.

Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes. Kapag nanaginip na ikaw ay lumilipad, ito ay may kaugnayan sa sense of freedom na noong una ay inaakala mong wala kang kalayaaan o kaya naman ay limitado lamang.

Dapat pahalagahan at ingatan ang magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, upang hindi makalagpas sa iyo ang grasya at huwag masayang ang oportunidad na abot kamay mo na. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga, upang ang inaasam mong tagumpay ay makamit at magkaroon ng katuparan. Maaari rin namang sa kaso mo, ito ay isang sagisag ng kagustuhang makatakas sa mga bagay na kinatatakutan o mga bagay o taong gustong iwasan.

Ngunit mas makabubuting imbes iwasan ay harapin ang mga ganitong sitwasyon o suliranin upang matuldukan na ito. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …