KUNG nais n’yong magluto ng mga itlog sa hugis ng kamay, gumamit kayo ng latex glove.
Maaari n’yo ring ikonsidera ang paglalagay ng ketchup nails at sausage watch. Mas mukhang masarap at “creative,” ‘di ba?
Ang kakaibang cooking method ay ibinahagi ni Reddit user Emloin, na siyang maaaring nasa likod ng ideyang ito. Ito ay ibinahagi sa Twitter ni @socratesadams.
Hindi tiyak kung ano ang nangyari sa “egg hand.” Marahil nais ng amateur chef na maging kakaiba ang hitsura ng kanyang itlog, kaya hindi nag-aksaya ng panahon para sa traditional poaching.
At sa hitsura nito, ang itlog ay posibleng bahagyang hinalo bago iniluto. Bagama’t ilan sa yolks ang buo pa.
Hindi lahat ay kombinsido sa putahe. Sinabi ni Happy Badger: “The squeak as he squeezed those shame eggs out of their glove prison, the smell of the latex boiling while a bacon watch half-cooks in semi-rancid corn oil next to it…”
Habang sinabi ni Catfish Marshmallow: “That looks like something out of a breakfast-themed horror movie.”
Dagdag ni Spacebot Zero: “This is the most disgusting thing I’ve ever seen. Looks like a deflated clown hand.”
(mirror.co.uk)