NAKAPANLULUMO ang nakarating na sumbong sa inyong lingkod ng isang babaeng nagtangkang magpa-abort sa isang abortionist sa Baliwag Bulacan.
Matapos iwanan ng abortionist sa lugar na isinasagawa ang abortion ay nagawang bumiyahe sakay ng bus at itinakbo ang kanyang sarili sa isang pampublikong Ospital sa Barangay La Huerta, lungsod ng Parañaque.
Hindi nagawang kunin ng babae na itago natin sa pangalang Marilou ang pangalan ng doktora, dahil sa sobrang kahihiyan na kanyang inabot mula sa bibig ng bungangerang doktora sa harapan ng ilang pasyente, kaya lumipat siya sa ibang ospital.
Hanggang mapadako sa isang pribadong ospital sa siyudad ng Las Piñas.
***
Ayon sa salaysay ni Marilou, inaamin niya na ipinalaglag niya ang apat-na-buwang ipinagbubuntis, sa takot na maging mitsa ito ng kanyang buhay dahil umano bawal nang mag-anak mula nang isilang ang huli niyang supling.
Bagama’t bawal ang pagpapa-abort, pikit-mata niya itong ginawa sa pamamagitan ng isang kaibigan sa Baliwag Bulacan, isang dati umanong doktor na inalisan ng lisensiya dahil sa maruming gawain sa larangan ng medisina.
Hindi umano nakaya ng isinaksak sa kanyang injection na may gamot na pampalaglag at patuloy ang pagdurugo ng kanyang puerta, ngunit walang lumalabas na sanggol, dahil dito natakot ang kaibi-gang abortionist kaya tina-kasan si Mari-lou.
Naiwan si Marilou na gulong-gulo ang isipan, kaya ipinasiya niyang umuwi at sumakay sa isang bus pa-Maynila.
***
Isang kaibigan ang nilapitan at sinamahan si Marilou sa isang pampublikong ospital sa lungsod ng Parañaque. Nang malaman ng doktora na induce abortion ang kalagayan ni Marilou, imbes bigyan ng asikasong medikal ay dinakdakan nang dinakdakan sa malakas na boses ng doktorang bungangera, sa harapan ng ibang pasyente.
Sabi ng doktora, “Alam mo ba na puwede ka namin ipakulong sa ginawa mo? Natakot si Mari-lou kaya dali-daling umalis, at hindi nabigyan ng pagkakataon na maraspa, dahil patay sa loob ng tiyan nito ang sanggol na dinadala.
***
Alam natin na bawal ang ginawa ni Marilou, pero dapat iligtas ang kanyang buhay dahil patay na ang sanggol sa loob ng tiyan. Puwede naman papirmahin si Marilou, na walang pana-nagutan ang ospital sakaling may mangyaring hindi maganda kay Marilou.
***
Mayor Oliva-rez, pakiimbestigahan ang insiden-teng ito, dahil ang serbisyong medikal na ipinagkakaloob sa iyong constituents ay nababahiran dahil sa ganyang asal ng doktorang ubod nang bungangera!
Kahit kriminal, hindi ba dapat iligtas muna ang buhay bago papanagutin sa krimeng kanyang ginawa?
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata