INILUNSAD kahapon ng pangunahing telecommunications company Globe Telecom ang TM Sports Para Sa Bayan para palawigin ang kanilang grassroots sports development program sa bansa para mapabilang dito hindi lamang ang basketball kundi maging ang football at kalaunan ang volleyball na rin.
Sa isinagawang paglulunsad sa The Aristocrat sa Malate, Maynila, ipinaliwanag ni Globe corporate social responsibility public service director Rofil Magto na layunin ng kanilang latest sports initiative na makalikha ng mahalagang impact sa komunidad sa pamamagitan ng positibong societal value tungo sa skills development ng kabataan, partikular ang underprivileged, at maibahagi rin sa kanila ang halaga ng disiplina at sportsmanship.
May temang Tara, Laro, Tayo, sisimulan ang Sports Para sa Bayan ng Globe TIM sa tulong ng Astro Kembola ng Malaysia at kilalang social streaming service Tribe.
Nitong nakaraang taon, inilunsad ng TM ang Basketball Para sa Bayan kasama ang sikat na basketball star na si LA Tenorio bilang opisyal na endorser at dahil sa magandang resulta nito, pinaigting ngayon ang inisya-tiba para makasama ang football at kalaunan ang volleyball.
“TM Sports Para Sa Bayan will be a wonderful way to showcase the talents of up-and-coming athletes,” idiniin ni Magto.
“Working with underprivileged communities and discovering several sports-oriented and talented children give us encou-ragement that we are indeed on the right track in nation-building through sports,” dagdag nito.
Bilang suporta, ipinaliwanag din ni Tribe chief-executive-officer Iskandar Samad ang kahalagahan ng sports sa buhay at kung paano nito napapabuti ang status ng bawat indibidu-wal.
“Sports is a great equalizer. By providing resources to this advocacy, we would aim to help bring out the potential in these kids and create opportunities which they may not easily get given the financial barriers that they face,” punto ni Samad.
(TRACY CABRERA)