Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Mangga naipit sa pinto ng lumang bahay na may duwende

 

GANDANG umaga po Señor H,

Ask q lng un dream q, may pinto naipit niya ung manga kaya ayaw sumara, un bahay medyo parang wasak at medyo luma n en may duwnde p s gilid nito or maliit na tao or unano, sana malaman ko meaning ni2.

This s Jon2 fr. Caloocan. Salamat po sa inyo Señor (09273409578)

 

To Jon2,

Ang pinto sa panaginip, kung ikaw ay pumapasok dito ay nagsasaad ng mga bagong oportunidad na dumarating sa iyo. Ikaw ay pumapasok sa bagong kabanata ng iyong buhay at lumilipat o gumagalaw from one level of consciousness to another.

Partikular, a door that opens to the outside ay nagsasabi na dapat kang mas maging accessible to others. Samantalang a door that opens into the inside ay nagsasabi ng iyong paghahangad ng ukol sa inner exploration and self-discovery.

Kapag bukas ang pinto, ito ay simbolo ng iyong receptiveness at kahandaang tumanggap ng bagong ideya at konsepto. Kung may ilaw sa likod ng pinto, nagsasabi ito that you are moving toward greater enlightenment/spirituality.

Kapag ang pinto ay sarado o naka-lock, may kaugnayan ito sa oporunidad that are denied at hindi available sa iyo o kaya ay nalampasan ka na. Mayroong humahadlang sa iyong pag-unlad. Ito ay simbolo rin ng ending of a phase or project.

Kapag nanaginip na isinasara mo ang pinto, nagsa-suggest ito that you are closing yourself off from others. Ikaw ay may pag-aalinlangan na papasukin sa buhay mo ang ibang tao at ipaalam ang tunay mong damdamin. May kaugnayan din ito sa ilang pangamba at low self-worth.

Kung may nagbalandra sa mukha mo ng pinto, may kaugnayan ito sa pakiwaring na-shut out ka sa ilang gawain o kaya naman, nagpapahiwatig ito na ikaw ay binabalewala o hindi pinapansin.

Kapag nakakita ng mangga sa panaginip, ito ay sumisimbolo sa fertility, sexual desires, at lust. Alternatively, maaaring may kaugnayan din ito sa relasyon na dapat mo nang bitiwan upang makapag-move-on ka na.

Ang panaginip mo ay nagsasaad din ng new hopes, growth, desires, knowledge, at life. Ito rin ay may kaugnayan sa strength, protection, at stability. Ikaw ay naka-focus at nagko-concentrate sa iyong pansariling development at individuation.

Ang mga prutas ay nagpapakita rin ng growth, abundance at financial gain. Sa kabilang banda, ito ay maaaring nagpapaalala rin sa iyo na kaila-ngang dagdagan ang sipag at tiyaga upang maabot mo ang iyong mithiin sa buhay. Maaari rin namang nagre-represent ang mga prutas, kung ito ay hinog na, ng fertility at conception.

Kapag nakakita ng bahay sa panaginip, ito ay nagsasaad ng ukol sa iyong sarili at sa iyong kaluluwa. Ang mga specific na bahagi o kuwarto ng bahay ay nagpapakita ng specific aspect of your psyche.

Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong talino, ang basement naman ay nagre-represent ng unconscious side mo, at etc. Kung ang bahay ay walang laman, ito ay nagpapakita ng feelings of insecurity, kung ito naman ay nagbabago, may kaugnayan ito sa mga personal na pagbabagong iyong pinagdaraanan o pagdaraanan pa lamang, pati na ng pagbabago ng iyong belief system.

Kung luma na ang bahay at halos nagigiba na, ito ay nagsasaad ng iyong old beliefs, attitudes at kung paano ka rati mag-isip o makadama. Alternatively, ang lumang bahay ay maaaring simbolo ng pangangailangan mong i-update ang iyong mode of thinking.

Kung sa panaganip ay nakakita ng duwende, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay well-grounded and connected to nature and the earth. Alternatively, ang ganitong uri ng bungang-tulog ay maa-aring mangahulugan din ng hinggil sa aspekto sa iyong sarili na hindi pa lubos na nade-develop or has been repressed. Posible rin na ang ganitong klase ng panaginip ay nagsasabi na sa pakiwari mo, ikaw ay nakadarama ng pagiging inferior or insignificant.

Alisin sa iyong isipan at sistema ang mga bagay na inaakala mong iyong kahinaan o ito ay nagiging daan upang maging maliit ang iyong kompiyansa para sa sarili mo. Mas mabuting mag-focus ka sa mga positibong bagay kaysa mga negatibo.

Laging isaisip din na nasa kamay mo ang ikagagaling at ikagaganda ng iyong kapalaran. Kai-langan lang nang maingat at tamang pagpapasya, lalo pagdating sa mga lubos na mahahalagang bagay. Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *