Tuesday , December 24 2024

45 construction workers iniimbestigahan sa rape-slay sa 17-anyos (Sa Pangasinan)

 

ISINAILALIM sa “buccal swabbing” ang 45 construction workers kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkamatay ng grade 12 student, na nakitang nakalutang sa isang palaisdaan sa Basista, Pangasinan, at hinihinalang biktima ng panggagahasa.

Ayon sa ulat, sinabing lu-mabas sa resulta ng autopsy na “asphyxia by drowning” ang dahilan ng pagkamatay ni Joanna Rose Español, 17-anyos.

“Asphyxia by drowning. So iyon po ang cause of death niya ngunit mayroon na-notice na contusion sa (may) abdominal area [niya],” pahayag ni Senior Inspector Buenaventura Benavides III, hepe ng Basista Police.

Natagpuang patay at walang damit pang-itaas sa isang pa-laisdaan sa Brgy. Mapolopolo sa Basista, si Joanna Rose nitong Sabado makaraan mawala nang ilang araw.

Hinala ng ama ng biktima, trabahador sa isang construction site sa lugar ang nasa likod ng krimen.

“Kursunada. Dalawang tao raw ang kumuha ng number niya roon. ‘Yung gumawa sa kanya. [Sana] mahuli na siya o sumuko,” ayon kay Ruben Español, ama ng biktima.

Inimbitahan na ng pulisya ang mga construction worker sa naturang lugar.

“Actually ang number po nila is 45. So lahat po ng 45 na iyon ay ating iniimbestigahan. Tinanong-tanong lang po namin sila [at nagsagawa ng] tinatawag nilang buccal swabbing,” pahayag ni Benavides.

Bumuo na rin ng composite team ang PNP, NBI at CIDG para sa imbestigasyon sa pagkamatay ng biktima.

Nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa pamunuan ng paaralang pinapasukan ng biktima.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *