Thursday , December 26 2024

Hirit ni Ka Digong

DAHIL nga sa hinihiling ng pagkakataon mga ‘igan, nanindigan ang Department of National Defense (DND) at Philippine National Police (PNP), maging ang Armed Forces of Philippines (AFP) sa kahalagahan ng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao. Bagamat naging malaking usapin ang pagpapanatili ng Martial Law sa rehiyon, kinakailangan umano ang todo–todong pag-arangkada nito, lalo pa’t hindi pa nahuhuli ang iba pang supporters ng Maute.

Kaugnay umano sa naging pag-aaral ni Ka Digong sa naging rekomendasyon nina Defense Sec. Delfin Lorenzana , PNP Chief Ronald Dela Rosa at ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, humirit si Ka Digong sa Kongreso na hayaang umarangkada ang bisa ng Martial Law, maging ang suspensiyon ng pribilehiyo sa “writ of habeas corpus” hanggang December 31, 2017 sa Mindanao.

Kung sabagay mga ‘igan, kung pag-aaralan umano ang sitwasyon ngayon sa Marawi City at ng iba pang bahagi ng Mindanao, aba’y suportahan ang muling hirit ni Ka Digong sa Proclamation 216 o Martial Law sa Mindanao, nang magtuloy-tuloy ang operasyon ng militar kasabay ang muling pagbangon ng nasabing rehiyon.

Sa totoo lang mga ‘igan, naging maganda ang pagtanggap ng taongbayan sa pag–extend ng martial law sa Mindanao ni Ka Digong. Aba’y bakit? Ayon sa bulong ng aking pipit na malupit, hindi umano abusado o hindi inaabuso ng mga militar ang karapatang pantao sa ilalim ng batas militar ni Ka Digong. Bagkus, ang talagang layunin o ang pokus nito ay patahimikin ang mga teroristang nanggugulo sa Marawi. Paano na kaya ang mga nanggugulo sa bansa, mapapatahimik at madidisiplina rin kaya ng martial law kung saka-sakaling ipapatupad ito sa buong bansa?

Aba’y subukan natin…

“Ito rin ang ganda ng martial law, because we’re strict the limit of three armed groups. Kung walang martial law, madali silang naka-reinforce. With martial law, nakapag-impose tayo ng curfews at ng checkpoints sa selected areas while it is inconvenient for public but it restricted the movement of armed groups,” ani AFP Chief of Staff Gen. Año na may paniniwalang malilimita-han nito (martial law) ang pagkilos ng mga grupong armado.

Sa hirit na ito ni Ka Digong, matutuldukan na kaya ang pag-atake ng mga terorista mula sa Maute/ISIS na silang gumagawa ng terorismo sa rehiyon? Matutuldukan na rin kaya ang lahat ng pagbabanta sa seguridad at kaligtasan ng bansa laban sa mga teroristang Maute / ISIS at sa mapagsamantalang New People’s Army (NPA)? Paano na ang tunay na kaligtasan ng taongbayan partikular sa Marawi City? Nawa’y matutukan ang liberasyon at rehabilitasyon tu-ngo sa muling pagbangon at tuloy-tuloy na pag-unlad ng Marawi City.

MADAM AT BOSSING
SA QC HALL PATULOY
SA PANG-AABUSO

Ano na ba ang nangyayari ngayon sa Que-zon city hall? Habambuhay na lang bang magtataingang kawali si Mayor Bistek sa mga katiwaliang ginagawa umano ni Madam at ni Bossing sa Quezon city hall, na ayon sa aking ‘pipit’ na malupit ay talaga namang sobrang pang-aabuso na ang pinaggagagawa sa kanilang tanggapang kinabibilangan.

Pero, bakit deadma kay Bistek?

Nag-aalboroto na mga ‘igan ang mga kawani ng Quezon city hall dahil sa hindi makatarungang pagkakatalaga ni Mayor Bistek kay Madam na hindi naman umano kuwalipikado sa kanyang posisyon!

Sus ginoo! Sa pagkakaupo ni Madam, sinalungat umano ni Quezon City Mayor Helbert ‘Bistek’ Bautista ang desisyon ng Civil Services Commission at pilit umano nitong itinalaga ang kanyang mga Manok na sina Madam Ma. Michelle Bugarin at Engr. Gerardo B. Cabungcal na inaanak sa kasal ni Bistek at ni dating Speaker Belmonte.

Aba, aba anong katarantadohan ito? Aba’y hindi uubra ang ganitong pamamalakad Mayor! Paano na ngayon ang mga empleyadong umaalma sa di tamang sistema?

Abangan…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI – ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *