Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Singer/aktres, ipinagmalaki sa basketeer turned actor BF ang pagka-klepto

 

IKINAWINDANG ng basketeer-turned-actor ang pambihirang talent ng kanyang dyowang singer-actress.

Pambihira dahil mabilis pala ang mga kamay nito sa pagnenenok!

Ang tsika, noong una’y hindi makapaniwala ang boylet na may ganoong kapangyarihan ang matinggerang nobya. Para patunayan mismo sa kanyang sarili, minsan ay sinabihan niya ito na, ”Honey, totoo ba talaga ‘yung nababalitaan ko na klepto ka?” Tumango naman daw ang hitad.

Para maniwala’y sinampolan pa ng aktres ang kanyang dyowa na inutusan niyang ilagay nito sa likurang bulsa ng kanyang pantalon ang pitaka. Maya-maya’y nagulat na lang ang boylet, hindi niya kasi naramdaman na nadekwat na pala ng kanyang dyowa ang wallet niya.

Tirador din pala ang hitad sa mall. Minsang karay-karay niya ang same guy na ‘yon na dyowa niya nang nagdayalog ito ng, ”Honey, do you see that dress on the mannequin? Magugulat ka na lang, mamaya lang, that dress will be mine!”

At totoo nga, naipuslit ng hitad ang kiyeme-kiyemeng isusukat lang niyang damit, pero bitbit na niya palabras ng mall!

Da who ang kleptong singer-actress na itey na dapat iwasan? Itago na lang natin siya sa alyas na Kimberly Fuentebella.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …