Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karl Medina, perfect choice para sa Jose Bartolome: Guro

 

INIHAHANDOG ng Flying High Entertainment Productions, in cooperation with Greenlight Productions and Red Post Productions, ang Jose Bartolome: Guro, isang advocacy film tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.

Ayon sa independent movie director na si Ronald M. Rafer, si Karl Medina ang first and only choice niya para gumanap sa lead role ng pelikulang ito na siya rin ang lumikha ng screenplay.

“First and only choice ko si Karl Medina para gumanap na Jose Bartolome, dahil naniniwala kaming isa siyang mahusay na aktor.

“Wala na akong maisip na ibang actor para gampanan ang character. Karl is perfect!

“Very cooperative siya at very professional. He comes on time sa set, prepared, ready to work. Very friendly at warm rin siya sa lahat ng cast and crew. He also gives inputs whenever there is more to give in a scene,” lahad ni Direk Ronald.

Paano nga ba nagsimula ang film project na Jose Bartolome: Guro?

“Nagsimula ang lahat nang sinabi ko sa rati ko nang executive producer sa iba kong pelikula, si Joshua Macapagal, na it’s about time na gumawa na kami ng educational or advocacy film.

“Noong nag-yes siya, agad kong isinulat ang script at noong ipinakita ko na sa kanya, nagustuhan naman niya agad ang story which is about a dedicated teacher who values education,” kuwento ni Direk Ronald.

Dito na nagsimula ang pre-production stage ng pagbuo ng pelikula—mula sa location hunting, casting o audition, pagbuo ng production team, hanggang sa matapos ang shooting.

“Natutuwa ako at kahit na nasa Amerika ang producer namin, very supportive siya at hindi siya nagtipid sa budget, ibinigay niya kung ano ang requirements ng production,” dagdag niya.

Kasama rin sa cast ang Artista Academy runner-up na si Akihiro Blanco, ang magandang newcomer na si Jane de Leon, Domz Palomar, ang child actor na siMicko Laurente, Arpee Bautista, Grace Valencia, Arpee Bautista, at ang character actor na si Jess Evardone.

Last July 15, ginanap ang red carpet premiere night ng pelikula sa SM Megamall Cinema 10, na dinaluhan ng cast and crew, entertainment media, at iba pang special guests.

Dahil ang pelikula ay isang advocacy film on education, sa ngayon ay may inquiries na sa produksiyon para sa film screenings sa iba’t ibang eskuwelahan sa Metro Manila at mga probinsiya.

Dahil Rated-G (for General Patronage) ng MTRCB, ang pelikula ay maaaring panoorin ng anumang edad, kasama na ang mga bata.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …