INIHAYAG ng Department of Health (DoH) kahapon, walang grace period para sa pagpapatupad ng nationwide smoking ban.
Ang Executive Order, nag-uutos ng pagtatalaga ng smoke-free public at enclosed areas sa buong bansa, ay ma-giging epektibo sa 22 Hulyo, ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial.
Gayonman, sinabi ni DoH spokesman Eric Tayag, ang implementasyon ng EO ay magsisimula sa 23 Hulyo.
Ang mga lalabag sa EO ay magbabayad ng multa mula P500 hanggang P10,000, at posibleng pag-kabilanggo.