Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Male singer, nadamay sa dyowang addictus benedictus

 

HINAYANG na hinayang ang aming source sa kinauwian ng buhay ngayon ng napakahusay pa manding male singer na ito.

Sinayang daw kasi nito ang maituturing na ikalawang pagkakataong ipinagkaloob sa kanya para matutukan niyang muli ang kanyang career.

“’Di ba, nagkasakit siya noon ng malubha? Tumulong pa nga ang ilang mga kapwa niya singer, ‘di ba? Pero hayun, sa halip na ayusin niya ang buhay niya, nakatagpo pa siya ng bad influence na dyowa niya! Ano pa nga ba, adik-adik ang dyowa ngayon ng singer na ‘yon! Ewan ko nga ba kung bakit hindi nao-Oplan Tokhang ang hitad na ‘yon!”

Ang kinakasama raw ngayon ng singer na ito ang salot sa buhay niya.

“Sige, tell me…may dyowa kang addictus benedictus, huwag mong sabihing ni tikim, eh, hindi mo sinubukang magdroga? Kahit curiosity man lang, eh, ita-try mong mag-shabu, ‘no! Naku, sayang na sayang ang singer na ‘yon, tumanda na nng paurong!”

Da who ang male singer na ito na ayaw na ring kunin ng mga show producer dahil sa nag-iba na ang pag-uugali? Itago na lang natin siya sa alyas na ice cream flavor lang ang peg…Buko Macapuno.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …