Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, nananatili ang kababaan ng loob kahit kabi-kabila ang tagumpay

 

ALAM n’yo bang sa hanay ng mga aktres—mapa-bagets o senior—ay tanging si Kathryn Bernardo lang ang nakadalawang beses nang nai-cover sa Yes! Magazine? Sa mga male celebrity nama’y si Willie Revillame ang second-timer din.

Nitong July 11 ay mapalad si Kathryn na maging no. 1 sa 100 Most Beautiful Starsna featured sa glossy mag.

Siyempre, ang stylist at business associate ni Kath na si Ogie Narvaez Rodriguez—isa sa mga regular listeners ng Cristy Ferminute—ang proud informant ng balitang ito.

Bukod naman kasi sa simple at charismatic ang dating ni Kath, ipinagmamalaki rin ng kanyang mga tagasuporta ang kababaan nito ng loob.

Sa tinatamasang tagumpay ni Kath, kung tutuusi’y may lisensiya siyang magbago ng ugali, pero ni minsan ay hindi kinakitaan ng pagyayabang ang batang aktres. Her feet are always planted on terra firma, ‘ika nga.

Sa puntong ito tuloy namin hindi maiwasang ikompara sina Kath at Nadine Lustre lalo pa’t nasa sentro ngayon ng kontrobersiya ang huli sa pagkakaroon ng liberated outlook sa isyu ng pagli-live in ng mga magnobyo.

‘Di hamak naman kasing mas wholesome si Kath compared to Nadine. Nasasalamin tuloy kung paanong maganda ang pagpapalaki kay Kath ng kanyang mga magulang, idagdag pa ang mga kapatid niya na puro degree holder.

Kabog!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …