ANG Valenzuela City ang tinaguriang strike ca-pital of the Philippines noong panahon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Noong dekada ‘70, ang Valenzuela City ang may pinakamaraming bilang ng welga sa Metro Manila.
Kadalasang makikita sa harap ng mga pabrika ay mga nagtitipon-tipong mga manggagawa at nagbabantay ng kani-kanilang picket line. Ang ibig sabihin lang, maraming mga pabrika noon ang nakawelga dahil sa pagsasamantala ng mga negosyanteng Intsik sa kanilang mga manggagawa.
Pero mabilis na nagbago ang panahon. Makalipas ang maraming taon, sumulpot at pinagharian na ng pamilyang Gatchalian ang lungsod ng Valenzuela. Pero nawala na kaya ang sinasabing pagsasamantala ng mga Intsik?
Marami ang nagsasabing umunlad daw ang Valenzuela City dahil sa pamamalakad ng magkakakapatid na Gatchalian.
Ipinagmamalaki ngayon ni Mayor Rex Gatchalian ang malaking naging pag-unlad ng siyudad. Nariyan ang kaniyang ipinagmamalaking People’s Park, ang iba’t ibang ayuda na ibinibigay sa mahihirap at ang pagpapatayo ng mga paaralan at ospital.
Sinasabi rin ng kasalukuyang lokal na pa-mahalaan ng Valenzuela ang mga ipinagawang footbridges sa iba’t ibang barangay at malala-king tulay na naipaayos.
Pero kung titingnang mabuti, isa ang Valenzuela city sa may pinakamaraming informal settlers o squatters sa Metro Manila. Halos lahat ng barangay sa lungsod na ito ay masasabing pawang mahihirap na komunidad gaya ng Pina-lagad at Dulong Tangke sa Malinta, Palsis at De Castro streets sa Paso de Blas, gilid ng creek sa Fortune 4, Camcam sa barangay Ugong, sa mga ilalim ng national tower ng Napocor sa Ma-pulang Lupa at Ugong at marami pang iba.
Ilan lamang ito sa mga lugar sa Valenzuela na sadyang maraming mahihirap at umaasa sa trabahong tinatawag na “isang kahig, isang tuka.” At kaakibat lagi ng kahirapang ito, ang sari-saring bisyo na patuloy na lumalaganap.
Sugal, alak, drugs, prostitusyon at iba pa ay talamak sa nasabing mga lugar ng mahihi-rap. Maitatanong mo tuloy sa sarili kung nasaan ang pamahalaan ni Mayor Gatchalian? Nasaan ang tulong para sa out of school youth? Sa mga batang adik? At mga indibidwal na walang trabaho?
Hindi maikakaila ni Mayor Gatchalian na hanggang ngayon ang problema sa droga ay malaking suliranin sa Valenzuela City. Ang mga barangay tulad ng Arkong Bato, Malinta, Karuhatan, Paso de Blas, Gen. T de Leon, Bignay at Marulas ay ilan lamang sa mga barangay na pinaghaharian pa rin ng drug lords.
Palamuting masasabi ang mga ipinagmamalaking pag-unlad sa Valenzuela City kung ang problema sa droga at kahirapan ay magpapatuloy lamang sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Gatchalian.
SIPAT – Mat Vicencio