MARAMING ginagawa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sinasang-ayunan ng Usaping Ba-yan subalit may palagay ang payak nating pitak na tama siya pagdating sa punto ng ating pa-kikipag-ugnayan sa Tsina.
Kabi-kabila ngayon ang labas sa pahayagan, telebisyon at radyo ng mga komento kaugnay sa umano ay pagsuko natin sa Tsina tungkol sa usa-pin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea), ito ay kahit sa kabila ng ating tagumpay sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong nakaraang taon.
Una ay dapat malaman ng lahat na hindi pa isinuko ng administrasyong ito ang karapatan natin sa Panatag Shoal at ilang pang bahagi sa pinagtatalunang teritoryo sa WPS. Isinantabi lamang ang usapin upang mabigyang daan ang mga bagay na puwede namang pagusapan. Malinaw kasi na ang pagmamatigas natin kaugnay sa nasabing isyu ay nauuwi rin sa pagmamatigas ng Tsina na labis na nakapipinsala sa atin.
Alalahanin natin na puro lamang laway ang garantiya na ibinibigay ng Amerika sa atin kung sakaling mauwi sa bakbakan ang ating hidwaan sa Tsina. Ayaw pumirma sa isang kasulatan na kahalintulad ng kanilang pakikipagkasundo sa bansang Hapon at Korea na tahasang gumaga-rantiya sa kanilang paglahok sa digmaan bilang kakampi natin kung sakaling makadigma natin ang ibang bansa tulad ng Tsina.
Ang kawalan ng kasiguraduhan sa ayuda mula sa Amerika at ang tahasang pababanta ng digmaan ng Tsina kung sakaling ipipilit natin ang isyu sa WPS ang nagtulak sa administrasyong Duterte na baguhin ang pakikitungo sa Tsina hanggang dumating ang tamang panahon kung kailan puwede na nating pagusapan ang usapin WPS.
Ang isang mahinang bansa na tulad natin ay hindi puwedeng magmalaki kung walang ibubuga. Tamang panahon lamang ang makapagsasabi kung kailan tayo dapat kumilos upang bawin ang sa atin, hindi lamang ang mga teritoryo sa WPS kundi pati na rin ang Sabah at Guam.
Kaya habang inaantay natin ang panahon na
nabanggit ay dapat nating palakasin ang ating hukbo, lalo na ang puwersang nabal at panghimpapawid. Dapat din natin palakasin ang ating ekonomiya at impluwensiya sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
Dapat tayong maging matiyaga at mapagpasensiya sapagkat tiyak na maghihintay tayo ng ilang saling lahi bago matupad ang lahat.
***
Lalagyan ng karagdagang x-ray machines ng Bureau of Customs ang Ninoy Aquino International Airport para masawata ang malaganap na smuggling ng droga sa pandaigdigang palipartan. Para sa karagdagang detalye, pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.
USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK