Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sonny Parsons ng ‘Hagibis’ at balladeer Rafael Centenera sa “Live jamming with Percy Lapid”

 

DUE to insistent public demand, tinugon ng 8TriMedia Broadcasting Network management ang requests ng marami na pahabain ang oras ng ‘Live Jamming with Percy Lapid’ tuwing Linggo ng gabi sa Radio DZRJ (810 Khz/AM).

Nadagdagan pa ng isang oras ang nangungunang live musical program ngayon sa AM radio na mapapakinggan mula 10:00 pm hanggang 2:00 am.

Pangungunahan ng kilalang action star turned politician na si Sonny Parsons ang iba pang mahuhusay na singers at musicians na magiging panauhin sa darating na Linggo.

Si Parsons, na nagsimula bilang folk singer noong dekada ‘70 ay unang nakilala bilang recording artist kasama ang machong grupo ng “Hagibis” na nagpasikat ng hit songs na “Legs,” “Katawan” at “Babae.”

Makikipagsabayan kay Parsons ang romantic balladeer-recording artist na si Rafael ‘Mr. Romantico’ Centenera, at ang mga mainstay na sina Tim Torre ng grupong Aurora, ‘Nonoy and Gigi’ nina Terlino Bajar at Geraldine Alandy, at Lily Canoza.

Mga co-host ng programa ang dating matinee idol at anak ng yumaong Comedy King Dolphy na si Ms. Sahlee Quizon, Rosemarie Victoria at ang entertainment columnist na si Lolipop.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …