UMAANI ng batikos si Nadine Lustre sa social media sa kanyang pahayag na wala namang masama sa pagli-live in ng mga magnobyo among the millennials.
Ang hindi sukat akalain ng young actress ay ang malinaw na implikasyon nito na kung wala nga namang masama sa live-in setup ay wala rin palang masagwa sa pre-marital sex sa mga milenyal. At kung nasabi man ‘yon ni Nadine, it follows na ine-encourage pa niya ang mga kabataan to try this setup.
Nakalimutan ni Nadine na isa siyang supposed role model para maging huwaran sa mga kaedaran niya. Paano pa siya magiging isang magandang halimbawa sa mga kabataan given that kind of Western mentality?
Where does Nadine think she is? Sa isang bansang matatagpuan sa Kanluran at hindi sa Pilipinas na konserbatibo pa rin ang ating pananaw pagdating sa mga ganyang usapin?
Mapa-milenyal man o hindi ang isang tagarito, hinding-hindi dapat isinasantabi ang values. Yes, everything redounds to values, mayroon ba nito si Nadine na mistulang ipino-promote pa ang pagli-live in?
Dito sumablay ang aktres. Hindi muna kasi nag-iisip bago sumagot sa tanong unless nagpakatotoo lang siya sa kanyang damdamin.
Even then, hindi ang tipo ng pagiging liberated ni Nadine ang gustong marinig ng ating mga kababayan na naniniwala at tumatalima pa rin sa nakasanayang tradisyon.
Ano kaya ang kauuwian ng pahayag niyang ‘yon? Maapektuhan kaya ang kanyang mga commercial endorsement na sa mga kontrata nito ay may nakaloob na morality clause?
Bagamat hindi pa naman nakikipag-live-in si Nadine kay James Reid, the mere fact na hindi siya tutol doon ay posibleng i-apply niya ‘yon sa tunay na buhay.
This misguided girl, oo!
HOT, AW!- Ronnie Carrasco III