MARAMI ang nagtatanong kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng isang estasyon ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa giyera kontra droga nina C/PNP DG Bato Dela Rosa, NCRPO RD Oscar Albayalde at MPD Director C/Supt Joel Napoleon Coronel.
Mistulang tahimik sa mga aktibidad ang estasyon na gaya ng MPD OTSO sa Sta. Mesa pero smooth sailing ang ganansiya sa kanilang tabakohan?!
Kung iisipin, tila patay na lukan ang estasyon at walang pangita gaya ng iba pang himpilan pero iba na raw pala ngayon dahil nadagdagan na ang mga butas ng bookies at maging VK sa mga sulok-sulok na eskinita malapit sa tulay at isang eskuwelahan sa kanilang AOR.
Baybayin nga raw ang maiksing nasasakupan nila sa parteng riles e makakakita ng mga latag ng ilegal na sugal.
Sumbong ng ilang residente sa lugar, mistulang hindi nasasawata ang kalakaran ng ilegal na droga sa komunidad ng Sta. Mesa dahil paminsan-minsan lang ang kampanya kontra droga. Once in a blue moon nga lang daw ang mahigpit na hulihan at pawang mahihirap na drug user ang nadarakip.
Kung lumalakas at lumalawig ang butas ng ilegal na sugal sa AOR ng MPD OTSO, siyento uno porsiyento na lalakas rin ang kalakaran ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan. Kumbaga, package ‘yan lalo sa VK na pinamumugaran ng parokyanong manunugal at notoryus na durugista na malaki at masama ang epekto sa mga kabataan!
May magigiting na antigong pulis ang MPD OTSO na tila sila ang pumupuntos at maaasa-hang tunay para sa accomplishments ng himpilan!
Ano po kaya ang nagiging parte ninyo o tulong sa magandang liderato ni MPD Director Joel Coronel kontra droga kung tahimik at tila matamlay ang kampanya ng tropa sa OTSO?!
Sakop ng MPD OTSO ang mga kritikal na lugar na sinasabing fully drug infested areas. Galaw-galaw ma’am/sir pero doble ingat upang hindi na muling magdalamhati ang pulisya sa Maynila!
Marami pa rin ang naniniwala na mahusay at may kakayahan ang pamunuan ng OTSO baka kulang lang sa paalala na kailangan nilang magtantos para sa karagdagang accomplishment ng MPD.
Huwag magmistulang gatas na kondensada na kailangan pang hipan upang umusad at lumabas sa lata!
Bukas po ang ating kolum sa mga darating ninyong aksiyon o accomplishment ma’am/sir!
YANIG – BONG RAMOS