Tuesday , January 14 2025

INC namahagi ng relief goods sa 100k bakwit (Sa Marawi City)

 

HALOS 100,000 bakwit mula sa Marawi na nasa evacuation centers sa Mindanao ang nabiyayaan ng relief goods dala ng Lingap outreach program ng Iglesia Ni Cristo (INC) na kinabibilangan ng bigas, mga de latang pagkain at kape nitong Martes.

Umabot sa 1,000 miyembro ng Iglesia ang nakibahagi sa nasabing proyekto, ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos Jr., at aktibong nakilahok sa pagbabalot, pagkakarga at mismong pamamahagi ng relief items sa limang venue sa Iligan City at 11 evacuation site sa Balo-i sa lalawigan ng Lanao del Norte. Ilang kagawad rin ng PNP at ng sandata-hang lakas ang nangalaga sa kanilang seguridad at tumiyak na maisagawa nang maayos ang proyekto.

Ikinatuwa ng mga lokal na pinuno at mga residente ang nasabing relief drive ng INC dahil ito umano ang kauna-u-nahang malakihang pa-mamahagi ng tulong mula sa kahit na anong “religious group” sa nabanggit na lalawigan.

“Mabilis na napagdesisyonan ng Iglesia ang nasabing proyekto. Sa patnubay at pangunguna ni Executive Minister Eduardo V. Manalo, napagtanto namin na kailangan namin agad tumulong sa ating mga kababayan na napinsala ng sigalot sa Marawi. Walang kinalaman ang relihiyon at politika rito, ang mahalaga ay makapagkalinga ng mga taong dagling nangangailangan,” giit ni Santos.

Sa nakalipas na ilang taon, mabilis na napalawak ng INC ang Lingap sa Mamamayan livelihood and assistance program para sa mga kababayan nating mahihirap, miyembro man nila o hindi kabilang sa Iglesia.

“Kadalasa’y programang pangkabuhayan ang aming isinasagawa, ngunit sa mga pagtama ng kalamidad o pagkakataong kagaya ng nangyari sa Marawi, agad naming ibinabaling ang proyekto sa pamamahagi ng tulong-materyal gaya ng pagkain at gamot. Sa pamamagitan nito, mas naaabot namin nang mabilisan ang mga kababayang dagli ang pangangailangan.”

Ayon kay Santos, pa-tuloy silang kakalinga upang lahat ng mga nasa evacuation centers sa mga bayang nakapaligid sa Marawi ay kanilang ma-tulungan. May 35 evacuation sites sa mga lalawigan ng Lanao at Misamis Oriental na pansamantalang tinutuluyan ng mga nasalanta ng gulo sa Marawi.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

NGCP

Solon: Do not blame NGCP, wants ERC penalized for allowing NGCP to pass on franchise tax to consumers

The Energy Regulatory Commission (ERC) admitted issuing a resolution allowing NGCP to pass on its …

Faith in Action A Christmas of Compassion and Giving

Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving

As the Christmas season enveloped us in its joyous preparations, a heartwarming reminder of the …

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …

011025 Hataw Frontpage

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

HATAW News Team NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *