Friday , November 15 2024

Aklan DOLE inutil ba o nakikinabang sa mga resort sa Bora?

 

HALOS isang buwan na rin ang nakalilipas nang talakayin natin ang kalagayan ng nakararaming manggagawa sa Isla ng Boracay na matatagpuan sa Malay, Aklan, kaugnay sa sobrang ‘panggugulang’ sa kanila ng ilang hotel and beach resort pagdating sa pagpapasahod.

Paano kasi, karamihan sa mga manggagawa ay hindi pinapasuweldo nang tama bukod sa wala pa silang benepisyo tulad ng SSS, Philhealth at Pag-ibig.

Bukod dito, mayroon din mga nagbibigay ng 13th month pay pero, wala sa hulog.

Ibig sabihin, kalahati lang ang ibinibigay habang mayroon din buo ang ibinibigay na 13th month tuwing magpa-Pasko pero, hulugan na ibi-nibigay – pinaaabot ng anim na buwan.

Ganyan kalupit ang ilan sa kilalang establisiyemento sa Boracay.

Aminado ang mga nakausap nating mga manggagawa na natatakot silang magsampa ng reklamo sa Aklan DOLE, hindi lang dahil sa takot na sisibakin sila sa trabaho kundi batid nilang malakas sa DOLE ang ilan sa mga nagmamay-ari ng beach and resort.

Nabanggit nilang malakas sa DOLE ang ilan sa mga establisiyemento dahil ilan sa opisyal ng DOLE ay libre sa resort, kasama ang kanilang pamilya o kaanak. Hindi lamang ilan sa opisyal at empleyado ng DOLE ang nakalilibre kundi maging ang ilang opisyal na mula pa sa DOLE central office.

So, paano pa nga raw sila (mga manggagawa) maglalakas-loob na magreklamo laban sa kanilang pinapasukan. Paano nga naman?

Kung magkaganoon, e sino na ang dapat natin lapitan o tawagan ng pansin para sa malalang problema sa nakararaming manggagawa sa Boracay? Wala na yata?

Muli natin tinalakay ang sumbong dahil nana-natiling inutil ang Aklan DOLE hinggil sa kalaga-yan ng mga manggagawa sa sikat at kinikilalang beach resort sa buong mundo.

Batid natin na hanggang ngayon ay tameme pa rin ang ahensiya makaraang ipabatid sa atin na hindi pa rin nagsasagawa ng surprise visit ang DOLE sa mga establisiyemento sa isla para mahuli sa akto na wala sa minimum ang pasahod.

Malalaman kasi ng DOLE ang magugulang na establisiyemento sa pamamagitan ng pagsilip sa libro ng mga resort at on-site na pagtatanong sa mga kawani, tulad ng waiter, waitress, room boy, front desk receptionist, maintenance etc.

Ang DOLE po kasi, kahit na walang pormal na reklamo na inilapit sa kanila ang mga kawani, puwedeng magsagawa ng ‘pagbisita’ o surprise visit para mahuli sa akto ang madadayang kapitalista.

Sa ngayon, ang minimum wage sa Bora o Aklan ay P323.50 kada araw, pero, may mga sumasahod lamang ng P200, P250 at P300 habang mayroong tumatanggap ng tama o higit pa.

Muling nagsumbong sa atin ang ilang manggagawa, dahil bukod nga sa wala pang ginagawang hakbang ang DOLE, hayun ilan sa mga establisiyemento ang nagbawas ng suweldo.

Halimbawa ang P300 naging P250 etc. Bakit? Mahina na raw kasi ang kita ngayon sa Bora dahil nag-uulan na.

So, sino ang dapat natin tawagan nang pansin kung tila hawak sa leeg ng ilang kapitalista ang ilang opisyal/empleyado ng Aklan DOLE?

E sino pa nga ba kundi sina DOLE Sec. Silvestre Bello III at USec Joel Maglunsod. Ang dalawa ay makatao raw at makamanggagawa.

Kaya mga bossing, tulungan natin ang mga manggagawa sa isla. Kung paano sana ipinapakilala ng DOT ang isla, aba’y bilang taga-DOLE, silipin ninyo ang makatotohanang kalagayan ng mga manggagawa sa Bora.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *