Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dating leading lady ni Alden Richards, nasa Ang Probinsyano na

 

BALIK-Special Action Force (SAF) na si Cardo Dalisay (Coco Martin) para bigyang hustisya ang pagkamatay ng anak nila ni Yassi Pressman (Alyanna) na si Ricky Boy.

Base sa tumatakbong kuwento ngayon ng serye ay handa na siyang makipagsagupaan sa mga bantang dala ng hukbo ng Pulang Araw na kaagad siyang ipinadala sa labanan upang sugpuin ang mga miyembro ng grupo na nagdadala ng kaguluhan sa bayan ng San Gabriel.

Sabay naman dito ang patuloy na pagmamanipula sa kanya sa pagpapakita ng suporta ni Director Hipolito (John Arcilla), ang kasabwat ng rebeldeng grupo na gumawa ng mga krimen at pagmukhaing siya ang umaayos sa mga ito para sa hangarin niyang maging senador.

At sa pagharap ni Cardo sa panibagong hamon ay may mga bagong karakter ding nakilala ang mga manonood kamakailan na pinagmumulan ng aksiyon tuwing gabi tulad nina SPO2 Gerardo Dela Paz (Ejay Falcon), PO3 Christian Clemente (Dominique Roque), SPO2 Bernardo Quinto (Ron Morales), at PO3 Katrina Velasco (Louise Delos Reyes) na kanyang mga kasama upang malabanan ang mga rebelde at mapanatili ang katahimikan sa bayan.

Kaya abangan ang maaksiyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

FACT SHEET – Regggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …