Friday , November 15 2024

Pres DU30, Aguirre, Gierran, mabuhay kayo!

 

TALAGANG hindi na matatawaran ang accomplishments nina Pangulong Digong Dutere, SoJ Atty. Vitaliano Aguirre at NBI Director Atty. Dante Gierran sa loob ng isang taon.

Maganda ang ginagawa ni Pangulong Digong at naging matagumpay ang kanyang anti-drug campaign dahil ang mga kriminal ay natakot.

Ang anti-corruption niya ay epektibo rin dahil napakarami niyang tinanggal na corrupt na empleyado ng gobyerno.

Walang kaikaibigan kapag corrupt kahit gaano pa ka-close sa kanya.

Nakita natin na maraming bansa ang humanga sa kanya partikular ang ASEAN countries dahil sa magaling niyang pamumuno. Kakaiba siya at napakasipag niya pagdating sa trabaho at napaka down-to-earth kaya maraming mga gustong mag- invest sa bansa natin ngayon.

Pasalamat tayo dahil may Duterte na namumuno sa bansang ito na nagtatanggol sa kapakanan ng bawat Filipino. Nasa kanya na lahat ng katangian lalo ang pagpapakumbaba.

Walang sinisino kapag nagkamali at tiyak lagot ka!

Mabuhay po kayo Pangulong Duterte.

***

Ito pang napakagaling na public official ng ating bansa ngayon. Ang cum laude na kaklase ng ating Pangulong Du30 na si Atty. Vitaliano Aguirre.

Kahit maraming pagsubok sa DOJ ay trabaho nag trabaho lang. Isa siya sa pinakamagaling na cabinet member. Maraming humanga sa kanya dahil sinibak niya ang dalawang brod na involved sa milyong extortion sa Bureau of Immigration na sina Atty. Robles at Atty. Argosino.

Kahit maraming naninira sa kanya ay hindi niya ito pinapansin bagkus inaasikaso lahat ng kaso na lumalaban sa gobyerno. May puso siya sa naaapi at nakita ‘yan sa kanyang accomplishments.

Nakita n’yo wala siyang inililihim at sinabi niya na tuloy pa rin ang kalakaran ng droga sa Bilibid na kinakasangkutan ng SAF troopers at dapat talaga na may signal jammer doon dahil hangga’t may cellphone tuloy ang drug trafficking sa loob.

Maging ang sugal ay kanyang hinigpitan at kanyang pinaiimbestigahan ang PDAF ng nakaraang administration. Maraming sasabit dito.

Go! Go! Go! Secretary Aguirre!

***

Isa pa sa asset ng ating pangulo at ni SOJ Aguirre na masigasig sa trabaho ay si NBI Director Atty. Dante Gierran. Sa kanya ang mandato ay para sa bayan at kay Pangulong Duterte.

Kinalos niya ang scalawag na agents at kanyang tapat sa sinumpaang tungkulin na nobility, bravery and integrity. Napakaraming accomplishments ng NBI ngayon lalo sa paglaban sa ilegal na droga.

Marami silang matagumpay na operation ng bawat NBI divisions. Ang Anti- Organized Transnational Crime Division, Special Task Force, ATHTRAD, IPR Anti-fraud, DID, ang Anti-illegal Drug, Special Action Unit, Forensic, Cyber Crime Division at Interpol ay talagang nagtatrabho nang husto.

Marami silang kinasuhan lalo sa drugs at corruption.

May puso sa mga empleyadong maliliit sa NBI at kanyang ipinaglalaban ang kanilang benepis-yo. ‘Yung pondo ng NBI ay kanyang pinaghati-hati para sa lahat ng pangangailangan ng NBI. Hindi siya matakaw sa kapangyarihan at isa si-yang maprinsipyong tao.

May delicadeza at palaban lalo kapag siya ay nasa tama. Ganyan yata ang lahi ng Davaoeño palibhasa’y si Pangulong Digong ay ganoon din, laban sa lahat ng kasamaan.

Si Pangulong Digong, SoJ Atty. Vitaliano Aguirre at NBI Director Atty. Dante Gierran kayo ay pride ng ating bansa! Mabuhay kayo. God bless us all.

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *