Friday , January 17 2025
CBCP

Lumayas ka sa CBCP!

 

TAMA lang na ang nahalal bilang bagong pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay si Davao Archbishop Romulo Valles. Marami ang umaasa na sa pagkakahalal ni Valles, ang relasyon ng gobyernong Duterte at simbahan ay magiging matibay at maganda.

Sa kasalukuyan, ang pangulo ng CBCP ay si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na walang ginawa kundi batikusin ang mga programa ng kasalukuyang pamahalaan partikular ang kampanya o giyera ni Duterte laban sa ilegal na droga.

Pinaniniwalaang si Valles ay malapit kay Duterte at isa sa mga obispo na nakapagbibigay ng payo sa pangulo. Simula pa noong 2012, si Valles ang siyang pinuno ng Archdiocese ng Davao.

Bagamat sa Nobyembre pa manunungkulan si Valles, mabuti na rin at mawawala na itong si Villegas sa puwesto sa CBCP na walang ginawa kundi sitahin ang bawat hakbang ng pangulo at ng kanyang pamahalaan.

Sa halip na ipalaganap ang salita ng Diyos, binigyan atensiyon nitong si Villegas ang pakikipag-away sa pangulo, at hindi nagawang patatagin ang pananampalataya at palawakin ang bilang ng mga debotong Katoliko.

Umaasa tayong sa pamumuno ni Valles, ang ugnayang simbahan at pamahalaan ay higit na tatatag para sa kapakinabangan ng taongbayan.

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *