PINANGUNAHAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) officer in-charge, Undersecretary Catalino Cuy ang 22nd Police Community Relations month sa PNP National Headquarters sa Camp Crame,Quezon City nitong araw ng Linggo.
May temang “Police and Community: Sharing Responsibility, Taking Action in Unity” idi-naos ang programa mula 8:00 am hanggang 10:00 pm sa
PNP Transformational Oval, NHQ PNP na pinangunahan ng panauhing pandangal na si Undersecretary Cuy.
Dumalo ang iba’t ibang local government units at non-government units kabilang ang National Bicycle Organization na lumahok sa “Freedom Ride: Kalayaan sa Ilegal na Droga,” na binisikleta mula KM “0” sa Rizal Park, Ermita, Maynila hanggang Camp Crame.
Sinimulan ang Grand Celebration sa isang Grand Parade na kinabibilangan ng LGUs at NGUs.
Nagbigay ng mensahe at pasasalamat sa pagkakaisa ng pulisya at komunidad maging ng LGOs at NGOs si PNP Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
“Ipagpatuloy po natin ang pagkakaisa sa giyera laban sa droga at matutuloy ang mga tagumpay sa mga darating na draw kung palalakasin pa natin ang ating samahan at puwersa laban sa giyerang ito. Gawin natin ito para sa pinakamamahal nating bansa, para sa ating kabataan at sa kanilang kinabukasan,” ani Dela Rosa sa kanyang talum-pati.
Kasama sa namataang dumalo ang mag-inang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Mayor Lanie Mercado-Revilla.
(Ronaline Avecilla)