Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia malaki na ang ipinayat, #operationtaba, effective

MALAKI na nga ang ipinayat ni Sylvia Sanchez pagkalipas ng isang buwang mahigit naming hindi pagkikita dahil abala siya sa #operation taba program niya.

Nitong Lunes ay guest siya sa Tonight with Boy Abunda para sa promo ng Ipaglaban Mo na mapapanood sa Sabado pagkatapos ng It’s Showtime.

Nitong Hunyo nagsimula ang #oprationtaba program si Sylvia at kinuha niyang trainor ang Southeast Asian Games champion sa Track and Field at Long Jump na si Elma Muros-Posadas na apat na araw ang training sa ULTRA simula 6:30 a.m. hanggang 1:00 p.m..

Pilit naming inaalam kung bakit nagpapapayat si Ibyang, eh, dati naman deadma siya, “wala lang, gusto ko lang, mahirap din kasi ang mataba, nahihirapan akong gumalaw o kumilos,” giit sa amin.

Dahil lupaypay lagi sa training, “tulala ako minsan. Pagkagaling ko ng training, maliligo lang ako, tapos tulog na, gabi na ako gigising para makita ko naman ang pamilya ko. Tapos ganoon na naman the following day, training, uwi ng bahay tutulog, basta from Monday hanggang Thursday. ‘Pag Sabado, roon ko palang nagagawa ‘yung mga dapat kong gawin, pero wala pa rin, feeling ko pagod na pagod pa rin ako, kaya tulog ako ng tulog.”

Kaya naman lalong nanghina ang aktres nang mag-taping siya ng Ipaglaban Mo sa Boso-Boso, Rizal nitong nakaraang linggo.

Kuwento pa ni Ibyang, “nakita (trainor) ‘yung braso ko na medyo laylay na kasi pumayat ako, hayun, pinagbuhat ako ng barbell, heto hindi ko maidiretso ang kanang kamay ko, sobrang sakit, ininuman ko na nga ng gamot.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …