IKATLO at huling termino na ito ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, pero kung ang nakababatang kapatid nito na si Harlene ang tatanungin ay iginagalang niya kung ano ang next target na posisyon nito sa darating na 2020 elections.
“Actually, hindi ko alam kung ano ang plano ni kuya, kung tatakbo siya sa Congress o sa Senado. Ang alam ko, more than making laws, mas maaasahan siya sa pag-aksiyon sa mga problema. Action man siya. He’s more of an implementor,” ani Harlene na kumatawan sa kapatid sa taunang tradisyon ng pamilya Bautista sa pagbibigay-pugay sa mga miyembro ng entertainment press celebrating their birthdays.
Kung sabagay, Bistek’s track record will speak for itself. Natapos niya ang kanyang termino noon bilang Bise Alkalde ng nasabing siyudad, at maayos din niyang maitatawid ang kanyang mayoral term.
A graduate of San Beda College, alam n’yo bang sa murang gulang ni Bistek ay palabasa na siya ng mga librong tumatalakay sa mga prominenteng lider ng iba’t ibang bansa tulad ni Mao Tse Tung ng China, and how they shaped history?
Pero pagdating sa usapin ng puso, can Harlene say na maayos din ang takbo ng lovelife ng kanyang kuya? May nagkompirma kasi kamakailan (hindi rito sa Hataw) ng tungkol sa namagitang relasyon between Herbert and Kris Aquino na tumakbo umano ng dalawang taon.
“’Di ba, inamin na naman nila (Herbert at Kris) na mayroon silang past? Let’s leave it at that na lang. Tayo naman, kung saan masaya ang mga mahal natin sa buhay, doon tayo,” safe na tugon ni Harlene who’s busy attending to the overall operations of their family-owned Salu Restaurant na matatagpuan sa Scout Torillo cor. Scout Fernandez Sts. sa Timog area.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III