NANGANGALAMPAG na naman ang Commission on Elections (COMELEC).
Marami na raw kasing nagtatanong sa kanila kung matutuloy ba ang eleksiyong pambarangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) sa darating na Oktubre.
Kung hindi raw kasi matutuloy, dapat umanong ideklara na dahil ang pag-iimprenta nila ng 78 milyong balota (57 milyon sa barangay at 21 milyon para sa SK) sisimulan sa 20 Hulyo 2017.
Ang siste, mapag-uusapan pa lamang ang nasabing usapin ng Kamara pagkatapos ng pagbubukas ng 17th Congress sa 24 Hulyo.

Habang ang Senado naman daw sa Agosto pa naka-calendar ang nasabing usapin.
Kaya parang hilong talilong ang Comelec ngayon dahil hindi raw nila alam kung itutuloy nila ang paghahanda o hindi.
Kasi raw kapag hindi na naman natuloy ang eleksiyon, sayang ang gastos sa paghahandang ginawa nila.
Ang isang bentaha umano sa maagang paghahanda sa BSKE, manual ang kondukta ng eleksiyon at hindi machine operated.
Iyon naman pala Chairman Andres Bautista, alam naman pala ninyo na kahit mag-imprenta kayo ‘e hinid masasayang.
Ang nakatatakot lang diyan, baka biglang magkaroon ng puslit na balota. Huwag sanang maulit ‘yung kaso ng sobrang imprenta ng ci-garette ‘tax stamp’ diyan sa pag-iimprenta ng balota
‘Di ba, Chairman Bautista?!
Droga sa Bilibid namamayagpag na naman
DROGA SA BILIBID
NAMAMAYAGPAG
NA NAMAN

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com