HINDI pa tuluyang nasusugpo ng mga awtoridad ang illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), na ang gang leaders ang nagsasagawa ng 75 porsiyento ng drug transactions sa bansa, sa kabila ng pagbabantay ng police commandos.
Sa katunayan, aminado si Justice Secretary Vitaliano Aguirre III, na naobserbahan ng prison officials ang pagbalik ng narcotics business sa loob ng piitan, ilang buwan na ang nakararaan.
“I have received reports that there were some reactivation and we are doing something about this. We are going to end this some sort of resurgence by some inmates,” pahayag ni Aguirre.
“I talked to the Director General (Bureau of Corrections’ Benjamin delos Santos) last Saturday and we know what we are going to do.”
Hindi nagbigay ng mga pa-ngalan si Aguirre ng mga presong posibleng sangkot dito.
“May bagong pangalan,” aniya.
Mistulang isinisi ng justice secretary ang pagbalik ng illegal drug trade sa piitan sa “familiarity” sa Special Action Force (SAF) troopers na anim buwan nang naka-deploy sa national penitentiary.
“Apparently because of the big amount of money, some [SAF personnel] medyo nati-taint, tainted. I began only last Saturday talking with [the Bureau of Corrections director general]. Tignan natin kung sa investigation ay mayroong sufficient evidence to charge some personnel of the SAF,” ayon kay Aguirre.
Binigyang-diin niyang kaila-ngan nang palitan ang kasalukuyang SAF personnel ng bagong batch.
Nang maupo sa puwesto ang administrasyong Duterte nitong Hulyo ng nakaraang taon, ang police commandos ang nagpatupad ng security operations sa loob ng NBP kasunod ng mga ulat na patuloy ang high profile inmates sa pagpapatakbo ng kanilang illegal drug business sa loob ng piitan.