Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hero, malapit nang makalabas ng rehab

PARANG kailan lang noong ikinagulat ng showbiz ang balitang isa rin palang drug dependent si Quezon City Councilor Hero Bautista.

September last year nang nasa mismong bakuran pala ng magkakapatid na (QC Mayor)  Herbert at Harlene ang target ng malawakang drug war na inilunsad ng administrasyong Duterte. Wala silang idea na gumagamit pala ng ipinagbabawal na gamot si Hero.

Ang ironic pa, nasa puwesto pa man din si Hero pero sa halip na gamitin ni Mayor Bistek ang kanyang kapangyarihan ay ipinasok niya ito sa isang undisclosed drug rehab facility.

Pero ang pagkaka-confine ni Hero roon ay hindi naging hadlang para hindi niya gampanan ang sinumpaang tungkulin bilang Konsehal.

Tuwing Lunes ay pinapayagan si Hero na um-attend ng council meeting pero balik-rehab center din ito pagkatapos.

Ayon kay Harlene na humarap kamakailan sa mga reporter na taon-taon ay binibigyan ng pamilya Bautista ng birthday treat, hopefully ay makakalabas na si Hero sa ikalawang linggo ng buwang kasalukuyan.

Why the period of his release is short of two months, Hero’s cooperative behavior ang dahilan ng pag-igsi ng dapat sana’y isang taon niyang pamamalagi sa drug rehab center.

Para kay Harlene, mahalaga ang support system sa ikababago ng isang drug dependent for the better. All this time ay hindi kasi nila pinabayaan si Hero na sa kanilang paniniwala’y karapat-dapat bigyan ng pangalawang tsansa.

Sana nga’y magtuloy-tuloy na ang ganap na paggaling ni Hero at magsilbing inspirasyon sa marami ang kanyang pinagdaanan.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …