“NANDOON ang istorya nila, mga sibling rivalry ganoon. Ang istorya nila ay ‘yung pagbalik nila galing sa abroad. Makikita nila ‘yung pamilya ng lalaki, ’yung kalagayan nila ngayon. Kumbaga, eto ‘yung sequel,” paliwanag ni Direk Laurice nang tanungin kung remake ba ang Gulong Ng Palad na ididirehe niya under Cineko Productions. Ito’y galing sa orihinal na panulat ni Ms. Loida Virina.
Mananatili itong family drama gaya ng obra ni Direk Laurice na Tanging Yaman. Gagawing modern at pang-millennial ang Gulong Ng Palad.
“’Yun ang challenge, so importante‘yung writer gets niya ‘yun,” sey pa ni Direk.
Ano ang una niyang reaksiyon nang ialok ang Gulong ng Palad?
“Interested ako agad kasi naiintindihan ko kung bakit ako ang naisip nila?Dahil sabi nila dahil sa ‘Tanging Yaman’. At saka panahon ko ‘yan, eh. Alam ko ‘yung sitwasyon nila,” bulalas pa ng premyadong director.
Tatalakayin din ba sa movie ang tungkol sa drugs, politics?
“May ganoon, pero hindi ganoon ang istorya kundi it is how the family is affected. Halimbawa, drugs, o ‘di karamihan ng pamilya may isang miyembro, anak o kapatid, pinsan mo, lumaki ka na kasama at nakikita mo ang pagbabago. That’s what I mean. Ginagawa natin on personal level at the same time makikita mo ito na pala ang nangyari ngayon, na ganito na ang environment natin,” sambit pa niya.
Hindi pa rin masabi ni Direk kung sino ang kukunin niyang bida sa Gulong Ng Palad?
“Alam mo, mahirap mag- ano, ‘yung binanggit mo lang tapos hindi mo pa naa-approach ‘yung tao ng tama, kapag importanteng artista ‘yun kailangang i-approach mo ng tama, hindi ‘yung binanggit lang. Kumbaga, puwede pa sila mag-react na hindi pa nga tayo nag-uusap, eh,” katwiran niya.
Sa ngayon, blangko pa ang cast. May nagsasabi kasi na dapat isama sa cast si Romnick Sarmenta na tumatak noon sa papel na “Peping”.
Basta kay Direk kung sino ang tama at bagay ýun ang isasama nila sa pelikula.
Marami pa siyang artista na hindi nakakatrabaho na gusto niya gaya nina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, at Angel Locsin.
Anyway, tungkol sa personal na buhay ni Direk Laurice, wala pa siyang apo sa dalawa niyang anak (Ina at Ana Feleo) .Gusto na niyang magka-apo pero hindi naman niya puwedeng pilitin ang mga anak niya. Ipinapakilala naman sa kanya ang mga suitor ng mga ito.
Tinanong din si Direk kung willing pa ba siyang umarte na lampas sa imahe niya ang gagawing role.
“Willing ako, ‘wag lang maghubad, ‘no?Ang pangit na,” diretso niyang sagot na tumatawa.
Kung medyo lesbian ang atake?
“Hindi ko kaya,” mabilis niyang tugon.
Nagugulat ba siya kung may mga artistang nag-a-out na ngayon gaya ni Charice Pempengco?
“Ako, wala akong ano… kung ‘yun ang buhay nila, adults na sila. Hindi ako ano (against) riyan. Pero ako hindi ko mailagay ang sarili ko riyan, kasi ako gusto ko lalaki” saad pa niya.
Naniniwala rin si Direk na mas acceptable hanggang ngayon ang mga bakla kaysa mga tomboy sa society.
Pero kung halimbawa na nagkaroon siya ng anak na tomboy o bakla, tatanggapin niya .Wala naman siyang magagawa. “Buhay niya ‘yun, eh!” sey pa niya.
Bakit hindi na siya nag-asawa ulit pagkatapos mabyuda kay Johnny Delgado?
“Ay. Mag-a-adjust ka…ayaw ko mag-asawa ng matanda,” deklara ni Direk.
Eh, kung bata ang mapapangasawa ni Direk?
“Baka kuwartahan ako,” sagot niya sabay tawanan.
TALBOG – Roldan Castro