Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV host/actor, sariwa pa ang operasyong ginawa sa talukap

MEDYO matagal-tagal ding nabakante sa trabaho ang mahusay na TV host-actor na ito kaya laking gulat ng mga manonood na muli siyang tumambad na halatang may nabago sa hitsura ng kanyang mukha.

Eto ang nagtutumiling obserbasyon ng isang taga-showbiz upon seeing him grace the TV on weekends, ”Naku, hinding-hindi ako maaaring magkamali, nagpaayos ng talukap si (pangalan niya)! Hindi pa ba siya nakuntento sa kakapa-botox ng fez niya, heto’t eyelid naman niya ang napagtripan niya?”

Siyento porsiyentong sure ang aming source na hindi eyebags ang ipinatanggal ng TV host-actor. ”Halatang magkabilang eyelids niya ang ipinaayos niya. ‘Di ba, noon ngang nagpa-botox siya, eh, halos hindi na gumagalaw ang mukha niya? Kapag nagsasalita siya sa TV, eh, bibig na lang niya ang kumikislot-kislot!”

Da who ang TV host-actor na mukhang sariwa pa ang operasyon sa kanyang talukap? Itago na lang natin siya sa alyas na Edgardo Mansanilla.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …