Monday , December 23 2024

Masaker sa San Jose Del Monte, Bulacan trip lang daw dahil bangag sa alak at ilegal na droga (Attn: Human rights advocates)

Huwag na nating tawagin ang pansin ng Commission on Human Rights (CHR), dahil ang kanilang ahensiya raw ay nakatutok lang sa mga opisyal ng pamahalaan na lalabag sa karapatang pantao.

‘Yun na lang mga human rights advocates na galit na galit sa tinatawag nilang extrajudicial killings (EJK). Ano kaya ang itatawag nila rito sa ginawang karumal-dumal na pagpaslang sa pamilya ng isang security guard na binubuo ng kanyang asawang babae, bulag na biyenan at tatlong paslit na walang kamuwang-muwang sa mundo.

Panginoon! Anong klaseng nilalang ang kayang gumawa ng ganyang kahayupan?!

Hindi ba’t kabalintunaan na ang kanilang padre de familia ay isang security guard na nagtatrabaho para sa kaligtasan ng kompanyang pinaglilingkuran pero ang kanyang pamilya ay karumal-dumal na pinaslang ng mga lulong sa droga at alak?!

Napakasakit para sa isang ama na nagtatanggol sa kaligtasan ng iba pero hindi naipagtanggol ang kanyang pamilya sa oras ng kagipitan.

Alam nating marami ang naghahangad ngayon na makamit ng mga biktima ang katarungan, pero sa paanong paraan?!

May isang umamin na suspek na ang sagot ay trip, trip lang?!

Sonabagan!!!

Baka kung kaharap ang padre de familia nang isagot iyon ng isang halang ang kaluluwa e mautang pa ang buhay niya.

Tsk tsk tsk…

Sana lang ay mabilis na madakip ang mga suspek na hanggang ngayon ay nakalalaya pa. At sana lang, maging mabilis ang paglilitis sa nasabing kaso.

Sakali mang maaprubahan ang parusang kamatayan sa Kongreso, sana’y sila na ang unang isampol!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *