KUNG mayroon pang natitirang kahihiyan si Rep. Rudy Fariñas, mabuti sigurong magbitiw na lamang siya bilang kongresista ng First District ng Ilocos Norte. Mantakin ba naman ninyong mismong ang kanyang mga kababayan sa Ilocos Norte ay idineklara siyang “persona-non-grata.”
Ang ibig sabihin ng “persona-non-grata” ay unwelcome. Hindi tanggap o hindi nais na maki-ta ang pagmumukha ng isang indibidwal sa isang lugar o lalawigan tulad ng Ilocos Norte.
Ganito ang nangyari kay Fariñas nang magpasa ng isang resolusyon ang Ilocos Norte provincial board members na nagdedeklara kay Fariñas bilang persona-non-grata sa kanilang lalawigan.
Ang Resolution No. 2017-06-080 ay pinagtibay noong June 27 ng mayorya ng provincial board members ng Ilocos Norte. Lumalabas na ‘sinipa’ si Fariñas sa kanyang distrito ng nasabing lalawigan.
Karma ang nangyari kay Fariñas. Matapos niyang ipakulong ang tinaguriang “Ilocos 6” sa ipinatawag niyang hearing sa Kamara, ito naman ang kanyang kinasapitan nang ideklara si-yang persona-non-grata.
Parang hindi na tuloy taga-earth ngayon si Fariñas!
Kung matatandaan, sa kabila ng kautusan ng Court of Appeals na palayain ang Ilocos 6, hindi ito sinunod ni Fariñas at ipinagpilitan ang ‘kawastohan’ ng kanilang kautusan na patuloy na bulukin ang anim na empleyado ng provincial government sa detention cell ng Kamara.
Sa mga pangyayaring ito, mukhang tapos na ang political career nitong si Fariñas. Mismong ang mga kababayan niyang Ilocano ang nagagalit sa kanya dahil sa panggigipit na ginagawa niya sa Ilocos 6.
Ang masakit nito, nagbanta si Fariñas na kakasuhan niya ang walong provincial board members na lumagda para ideklara siyang persona-non-grata. Katuwiran nitong si Fariñas, hindi raw siya maaaring ideklarang persona-non-grata dahil hindi naman siya alien o dayuhan.
Sinabi na ngang persona-non-grata ka. Ang kulit mo naman!
Malinaw na si Fariñas ngayon ay tulad nang kinasapitan nina Aiko Melendez at ng komed-yanteng si Ramon Bautista. Si Aiko ay idineklarang persona-non-grata sa Bulacan at si Ramon naman ay idineklara ring persona-non-grata sa Davao City.
Dapat maging proud si Fariñas dahil pareho na sila ngayon ng kategroya nina Aiko at Ramon!
Meron ngang kasabihang “don’t push your luck too much.” Hindi kasi dahil nasa kapangyarihan ka ngayon e, walang karma o ganti sa ‘yong mangyayari. Anong pagmumukha nga-yon ang ihaharap mo sa mga Ilokano?
Kung inaakala nitong si Fariñas na mananalo siya sakaling tumakbo siyang gobernador sa Ilocos Norte ay nagkakamali siya lalo na kung tatangkain niyang tumakbo sa Senado.
Manong, easy lang kasi!
SIPAT – Mat Vicencio