Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Mga artista biglang dumating

MUSTA po Señor,

Un panaginip ko ay s artista, basta dumating lng sila, ung mga tao dinumog sila tas nakalapit dw ako at nagbigay ako ng mga lobo dun s mga artista, thank u, pls dnt publish my cp.

To Anonymous,

Kung ikaw ay nanaginip ng hinggil sa artista, ito ay posibleng nagre-represent ng nais na paghahanap sa kaligayahan at libangan o pleasure.

Ang iyong paghanga sa ilang partikular na celebrity o mga artista ay maaaring magbunsod ng pagkakakuha ng ilan sa kanilang physical o personality traits.

Dapat din tingnan o ikonsidera ang mga artistang ito, lalo ang characteristics nila na maaaring ma-associate mo sa iyong sariling personalidad. Posible kasing ang characteristics na ito ay katulad ng mga bagay na dapat mong kilalanin o i-incorporate sa iyong sarili.

Maaaring may kaugnayan din sa iyo ang mga papel o role na ginagampanan ng mga artistang nakita mo sa iyong panaginip. Kahit hindi mo kilala talaga nang personal ang mga artistang nakita sa panaginip mo, ang mga papel nilang ginagampanan na napapanood mo o ang pananaw at pagtingin mo sa kanilang pagkatao ay maaaring magbigay sa iyo ng clue o pang-unawa sa koneksiyon sa iyo ng bungang-tulog mo.

Sa kabilang banda, maaaring bunga lang ng napanood mo sa TV o pelikula o kaya ay nabasa mong istorya sa kanila sa tabloid o showbiz magazine, kaya pumasok sa panaginip mo ang artistang napanaginipan mo.

Kung ganito nga ang kaso, wala talagang significant na kahulugan sa iyo ang artistang ito at incidental lang ang pagkakapasok niya sa iyong bungang-tulog.

Ang panaginip naman na hinggil sa lobo ay nagpapakita ng bumababang pag-asa sa paghahanap mo ng pagmamahal. Maaari rin na may sitwasyon sa iyong buhay na maghuhudyat ng pababang kalagayan o pababang patutunguhan nito.

Ang mga lobo ay nagre-represent din ng pagiging arrogance at ng inflated na opinion mula sa iyong sarili. Kung makakita ng itim na lobo, ito ay sagisag ng depression, lalo na kung ang mga lobo ay pababa na.

Maaari rin namang ang kahulugan nito ay frustrating conditions sa iyong buhay, na kabaligtaran ng paghahangad mong pag-asenso. Posibleng may pahapyaw na kagustuhan din ito nang ukol sa pagtakas.

Sa positibong bagay, ang mga lobo ay simbolo ng celebration at festivities. Kailangan mong kilalanin ang inner child sa iyong pagkatao. Maaaring ang ilang insidente nang nawalang oportunidad sa parte mo ay nagre-represent ng lumipad na lobo, kung sakaling ganito ang sitwasyon.

Ngunit kung makuha rin ang ibang lobong lumipad, posibleng nagpapakita ito ng pagbawi naman sa ilang hindi magagandang pangyayari sa iyong buhay.

Kailangan lang na huwag kang mawawalan ng pag-asa at naka-focus ka sa iyong mga mithiin sa buhay, upang magkaroon ito ng katuparan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …