Monday , December 23 2024

Laging baha sa Hagonoy lifetime na ba!?

GANITO ang itsura ngayon ng makasaysayang bayan ng Hagonoy, isang coastal town sa lalawigan ng Bulacan na ang mga residente ay literal nang naninirahan sa tubig. isang relihiyosong bayan na mayroong ginaganap na malalaking prusisiyon kada taon, pero nalulungkot sila na ang kanilang mga panalangin ay hindi naririnig ng mga pabayang opisyal ng gobyerno. Anila, “siguro, gusto nina Gov. Willy Sy-Alvarado at Mayor Amboy Manlapaz na sila ang maiprusisyon sa binabahang Hagonoy.
GANITO ang itsura ngayon ng makasaysayang bayan ng Hagonoy, isang coastal town sa lalawigan ng Bulacan na ang mga residente ay literal nang naninirahan sa tubig. isang relihiyosong bayan na mayroong ginaganap na malalaking prusisiyon kada taon, pero nalulungkot sila na ang kanilang mga panalangin ay hindi naririnig ng mga pabayang opisyal ng gobyerno. Anila, “siguro, gusto nina Gov. Willy Sy-Alvarado at Mayor Amboy Manlapaz na sila ang maiprusisyon sa binabahang Hagonoy.

Hindi talaga natin alam kung ano ang trabaho ng Department of Public Works and Highway (DPWH) sa ating bansa.

Hindi rin natin alam kung bawat lungsod o munisipyo ay mayroong urban planner na ang trabaho ay tingnan kung angkop pa ba ang disenyo ng kanilang lungsod alinsunod sa paglaki ng populasyon.

O alinsunod sa katangian ng lokasyon nito.

O kaya ay kung paano napapangalagaan ang pamanang kultural ng isang lugar?!

‘Yan ang malaking problema pa rin ngayon ng Hagonoy, isang bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Ang Hagonoy ay isang coastal province sa lalawigan ng Bulacan.

Ibig sabihin, normal lang na dumating ang panahon na maging below sea level ang land area nito, kaya dapat noon pa man ay naisip na ng gobyerno lalo ng DPWH na kailangan magkaroon ng barrier ang sea water papasok sa land area.

Pero hindi ito naisip ng gobyerno kaya ngayon kung magagawi kayo sa Hagonoy, sila ay literal na nakatira sa tubig.

Isang relihiyosong bayan ang Hagonoy, at hindi sagka ang baha para sa kanilang mga panata.

Kaya isipin ninyo na ang mga taga-Hanonoy na itinutulak ang karosa ng Santo habang sila ay may prusisyon sa baha.

Ang mga kabataan, naglalaro ng basketball sa court na nakalubog sa baha.

At higit sa lahat, ang mga estudyante, mula sa kanilang bahay na nakalubog sa baha ay pumapasok sa kanilang mga paaralan na lubog din sa baha.

Natawag na ng mga taga-Hagonoy ang kanilang mga santo gaya nina San Pascual, San Nicolas, Sta. Elena, Sta. Monica, Sto. Rosario at ma-ging ang Mahal na Birhen pero mukhang hindi sila naririnig ng kanilang mayor na si Amboy Manlapaz at gobernador na si Willy Sy-Alvarado.

Mukhang pati sina Mayor Amboy Manlapaz at Gov. Will Sy-Alvarado ‘e kailangan pang ipru-sisyon sa baha para mapagtanto nila kung paano namumuhay ang mga taga-Hagonoy.

Gov. Willy, Mayor Amboy, hindi ba kayo mag-iisip ng solusyon?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *