Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andi Eigenmann Jake Ejercito Ellie
Andi Eigenmann Jake Ejercito Ellie

Jake, mahihiram na si Ellie; gag order ini-isyu sa mga concerned party

WALA ni anino ni Jaclyn Jose ang sumipot noong June 22 sa paghaharap nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa korte kaugnay ng kasong joint custody na inihain ng huli para sa anak nilang si Ellie.

Bukod sa dating estranged sweethearts, kasamang dumating ni Jake ang kanyang inang si Laarni Enriquez at ang kanilang legal counsel na si Atty. Ferdie Topacio. Sinamahan din ng kanyang abogado si Andi.

Sa nasabing pagkikita’y naayos na ang hinihiling ni Jake na bahaginan siya ng karampatang panahon para makasama si Ellie. Hindi nga lang maliwanag kung ano-anong araw maaaaring hiramin ni Jake ang bata at kung kailan magte-take effect ang kasunduan.

Samantala, nag-isyu naman ng gag order para sa mga concerned parties, kaya kung hindi man nagkukukuda si Jaclyn sa social media ay alam na!

Oo nga naman, hindi makatutulong ang mga emote ng mahusay na aktres. Besides, mismong ang anak na niyang si Andi ang nakiusap kay Jaclyn na huwag na nitong kasangkapanin pa ang social media, alang-alang sa bata.

Obviously, Jaclyn has heeded the call mula kay Andi at kay Atty. Topacio, hence her understandable silence on her social media account.

Minsan nang hiningan ng reaksiyon ang ama ni Jake na si Manila City Mayor Joseph Estrada tungkol kay Jaclyn, pero ang kanyang matipid na tugon, ”She’s old enough.”

All this time, kapuri-puri rin ang ‘di pag-eeksena si Laarni sa isyu to think that she has as much right to defend her son kung paanong pinoprotektahan din ni Jaclyn ang karapatan ni Andi.

Simple lang naman ang usapin dito: lahat naman sila’y hangad na maging masaya si Ellie sa kabila ng katotohanang hiwalay ang kanyang mga magulang. Ipagkakait pa ba naman nila ‘yon?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …