Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Red Robins, kampeon sa Filoil Juniors

MATAPOS pagharian ang NCAA Juniors Season 92 noong nakaraang taon, sinunod kobrahin ng Mapua-Malayan Red Robins ang Filoil Flying V Pre-season Premier Cup kahapon sa San Juan.

Naiiwan sa 62-59 papasok ng huling kanto, nagpakawala ang Red Robins ng 30-20 panapos na bomba para pabagsakin ang Ateneo Blue Eaglets, 89-82 sa high school Finals ng premyadong pre-season tournament ng bansa.

Kumayod ng halimaw na 17 puntos, 14 rebounds, 2 assists at 2 blocks si Will Gozum habang nag-ambag ng 23 at 18 puntos ang mga kasanggang sina Clint Escamis at Warren Bonifacio, ayon sa pagkakasu-nod para sa Red Robins na pinatatag ang tangan sa titulong pinakamagaling na high school team ngayon sa bansa.

Nagpakawala ng 20 assists ang Mapua kontra sa 18  ng Ateneo at pumupog sa rebounding, 64-54.

Nanguna sa Blue Eaglets si Dave Ildefonso sa kanyang 16 puntos habang solido ang 15 puntos at 14 rebounds na kontribusyon ni Kai Sotto.

Nagmando naman sa 9 puntos, 4 rebounds at 6 assists si SJ Belangel para sa Ateneo lamang sa halos kabuuan ng laro bago maunahan ng Mapua sa dulo.

Samantala, nagkasya sa tansong medalya na pagtatapos ang NU Bullpups nang lapain ang UST Tiger Cubs, 86-75 sa Battle or Third.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …