Inihayag ng military malakas ang indikasyong patay na si Omar Maute, ang isa sa magkapatid na nagpondo sa teroristang grupo sa pag-atake sa Marawi City.
Ang ulat hinggil sa posibleng pagkakapatay kay Maute ay unang nakarating sa militar dalawang linggo na ang nakararaan, pahayag ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesperson ng Joint Task Force Marawi, sa press conference sa Marawi City.
Si Maute ay posibleng napatay sa enkuwentro sa erya na ikinokinsiderang kuta ng Maute group sa Islamic City, ngunit hindi pa natatagpuan ng mga tropa ng gobyerno ang kanyang bangkay mula sa war zone, pahayag ni Herrera.
Kapag nakompirma, ang kanyang pagkamatay ay maikokonsiderang malaking dagok sa Islamic State-linked terror group sa gitna ng patuloy na opensiba.
Ang Maute brothers ay kabilang sa mga lider ng terorista na nagplano ng pag-atake sa Marawi nitong nakaraang buwan, ilang araw bago sumiklab ang sagupaan nitong 23 Mayo.
Ngayong patay na si Omar, ang kapatid niyang si Abdullah ang posibleng namumuno sa kasalukuyan sa operasyon ng grupo, ayon sa militar.