Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meralco Advisory, 4 na taon nang naghahatid ng impormasyon

SA kabila ng samo’tsaring masasamang balitang napapanood at napakikinggan, talaga namang nakaaalis ng bad vibes ang pagbungad sa TV screen ni Joe Zaldarriaga, ang spokesperson ng Meralco, na nagbabalita ng pagbaba ng presyo ng koryente ng P1.43 kada kilowatt-hour ngayong Hunyo.

Ang pag-anunsiyo sa all-time high rate reduction ay natataon dahil ang Meralco Advisory, na isang TV commercial na naka-pattern sa news broadcast, ay nagdiriwang ng ikaapat na taong anibersaryo. Inilunsad ang Meralco Advisory noong 2013 para maging pangunahing pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa electricity rates movement, mga impormasyon na nauukol sa power industry, at maging energy efficiency tips.

Mas mababa ng P1.43 kada kilowatt-hour ang presyo ng koryente ngayong Hunyo at inaasahan na mananatiling mababa ito sa susunod na dalawang buwan. Noong Mayo, bumaba rin ang presyo ng koryente.

Ayon sa Meralco, ang pagbaba ng presyo ay dahil sa refund na makikita sa kasalukuyang bill. Ito’y dahil sa mas mababang generation charge o ‘yung singil ng mga power plant na pinagmumulan ng koryente.

Para sa isang kabahayan na kumukonsumo ng 200 kWh bawat buwan, ang pagbabang ito ay katumbas ng P286 na savings na maaaring idagdag ng mga misis para sa panggastos ng kabahayan.

Masarap din pakinggang ang co-anchor ni Joe sa Meralco Advisory na si Maita David na siya namang tagapagbigay ng mga paalala ukol sa pagtitipid sa koryente at sa ligtas na paggamit nito.

Aniya, para mas makatipid pa sa koryente sa mga susunod na buwan, sundin ang mga paalala ng Meralco tulad ng tamang pamamalantsa ng mga uniporme at iba pang mga damit ng mga bata. Ito ay ang pagsisimula ng pamamalantsa sa maninipis na tela bago ang makakapal para nasasabayan ang pag-init ng plantsa at nasisiguro ang mas mababang konsumo ng koryente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …