HINDI nakadalo si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa pagsisimula ng plunder trial laban sa kanya sa Sandiganbayan kaugnay sa maanomalayang disbursement ng kanyang pork barrel funds.
Si Revilla ay dumanas ng hypertension kaya dinala sa St. Luke’s Medical Center, ayon sa kanyang abogado.
Gayonman, walang natanggap ang Sandiganbayan justices na paunang abiso kaugnay sa kondisyon ni Revilla.
Itinuloy ng korte ang pagdinig at kinuha ang testimonya ng unang testigo.
Si Revilla ang unang mambabatas na nilitis kaugnay sa mahigit P10-billion pork barrel scam.
Sina Revilla at dating Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile ay kinasuhan ng plunder noong 2014 bunsod ng umano’y pag-allocate ng milyon-milyong piso ng kanilang pork barrel fund sa pekeng non-government organizations na bi-nuo ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.