MATAPOS ang halos isang buwan na pagpapairal ng Batas Militar ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, maaaring bawiin na niya ito at ibalik sa civilian power ang pagpapatakbo ng pamahalaan ng Mindanao.
Walang dapat ipaliwanag si Digong sa kanyang mga kritiko maliban sa pagsasabing isang malaking tagumpay ang pagdedeklara ng Batas Militar matapos lusubin ng teroristang Maute group ang Marawi City.
Malinaw ang pagdedeklara ng Martial Law sa buong Mindanao ay pagpapakita ng determinasyon at tapang ng isang pangulo sa panahong nasa panganib ang demokrasya ng Filipinas. At ang tanging makagagawa nito ay walang iba kundi si Digong.
Walang maaasahang suporta si Digong sa kanyang mga kalaban lalo sa ‘kaliwa’ at ‘dilawang’ politiko na sarado ang mga isip at ang tanging nakikita sa kasalukuyang administras-yon ay pawang negatibo.
Tiyak na mananahimik ang mga kritiko ni Digong sakaling bawiin niya ang Batas Militar at maglaan ng sapat na puwersa ng militar na tutugon sa ginagawang guerilla warfare tactics ng Maute terrorist group.
Kung tutuusin, mahirap manalo ang sunda-long militar sa taktikang gerilya ng teroristang Maute group dahil hindi naman lumalaban nang nasa iisang lugar kundi palipat-lipat sila sa mga kalye ng Marawi City.
Kung matatandaan, ang taktikang ito ay ginawa na noon ni dating Capt. Danilo Lim nang magsagawa sila ng kudeta laban sa pamahalaan ni dating Pangulong Cory Aquino. Isang urban guerilla warfare ang inilunsad na taktika ng grupo ni Lim na natapos lamang nang magkaroon ng negosasyon, at napilitang bumalik sa barracks ang mga nagsagawa ng pag-aalsa.
Makabubuting pagtuunan ng pansin ng pa-mahalaan ni Digong ang rehabilitation program ng Marawi City tulad ng pagsasaayos ng mga bahay, gusali at mga kalsadang nasira dahil sa giyera, sa sandaling tapusin na niya ang Batas Militar.
Kailangan siguruhin din na magiging ma-ayos ang kabuhayan ng lahat ng pamilyang naapektohan ng gulo lalo ang kanilang mga hanapbuhay at ari-arian. Higit pa riyan, mabig-yan ng atensiyon ng pamahalaan ang mga bata na na-traumatized dahil sa pinagdaanan nilang hirap dulot ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at teroristang Maute group.
Kasabay ng pagbawi ng Batas Militar, kai-langan tiyakin ng pamahalaan ni Digong ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno, MILF at MNLF para tuluyang ma-isolate ang mga terrorist group na patuloy na kumikilos sa Mindanao.
Kailangan nakatutok ang lahat ng sektor sa isasagawang rehabilitation program sa Marawi City at kailangan magtulong-tulong at maipada-ma sa kanila na sa panahon ng krisis ay hindi sila pababayaan ng pamahalaang Digong.
SIPAT – Mat Vicencio