Friday , November 22 2024

Pulis na walang armas sa NAIA terminals

NAIA POLICE NO GUNS. Halos 200 bagong rekrut na pulis na itinalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ay wala pang baril mula sa pamahalaan. Nakapangangamba ayon sa mga taga-NAIA, na mayroon ngang pulis pero wala namang armas, lalo’t mayroong mga banta ng panggugulo ng mga terorista. (JSY)
NAIA POLICE NO GUNS. Halos 200 bagong rekrut na pulis na itinalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ay wala pang baril mula sa pamahalaan. Nakapangangamba ayon sa mga taga-NAIA, na mayroon ngang pulis pero wala namang armas, lalo’t mayroong mga banta ng panggugulo ng mga terorista. (JSY)

NANGANGANIB ang halos 200 bagong rekrut na pulis (PNP-ASG) na itinalaga sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kawalan ng armas.

‘Yan ang sentimyento ng mga miyembro ng Aviation Security Group (Avsegroup) sa Airport lalo na ngayong mahigpit ang kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad at ilegal na droga.

Mantakin n’yo naman, maghapon silang nasa airport at nakasuot ng uniporme ng pulis, complete uniform, pero walang baril.

E kung matiyempohan sila ng mga kriminal at terorista gaya nang nangyari sa  Resorts World Casino (RWM), ano ang gagawin nila?!

Ipormang baril ang kanilang mga daliri na parang nakikipaglaro nang baril-barilan sa mga terorista at kriminal?!

Wattafak!?

Sabi nga ng mga pulis-AVSEG, napakabait ng Diyos dahil isang taon nang walang patid na pinakikinggan ang kanilang dasal na sana’y huwag silang matiyempohan ng masasamang-loob, dahil kung hindi dalawang bagay lang ang kanilang mapupuntahan — ospital o sementeryo.

Inamin naman daw ng Philippine National Police (PNP) na mayroon silang shortage sa service firearms at libo-libong pulis ang wala pang armas sa kasalukuyan.

Nabatid na ang  budget para sa gun procurement ng 12,268 units caliber 9-milimeter pistols ay ibinaling na pambili ng police patrol jeeps, Crime Data Processing System at Automated Fingerprint Identification System ng nakaraang administrasyon.

Noong isang taon, iginiit ni Senator Ralph Recto ang probisyon sa 2017 National Budget na maglaan ng pondong pambili ng armas para sa 16,000 ‘gunless’ policemen.

Sa ulat ng Commission on Audit (COA) nabatid na 16,140 kagawad ng PNP ang walang service pistol. Ang 623 police officers ay gumagamit ng donasyong armas habang ang 3,654 pulis ay hindi alam kung nabigyan na ng armas.

Tsk tsk tsk…

Nakapagtataka pa ba kung bakit demoralisado ang mga pulis natin na biktima ng kawalang pagpapahalaga ng nakaraang administrasyon?!

By the way, tinalo pa kahapon ng mga security guards na may bitbit na shotgun at automatic rifle sa NAIA ang ating mga pulis.

Omeygad!

Kaya naman pala ganoon na lamang ang pag-aalala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para sa kapakanan ng ating pulis dahil nakikita niya ang tunay nilang kalagayan.

Sana’y huwag nang ipitin ni Secretary Benjamin joke-no ‘este Diokno ang budget para sa  armas ng ating mga pulis…

I-release na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *