Friday , November 15 2024

Paalam Atty. Tetz Lalucis

NITONG nakaraang linggo ay pumanaw ang isang napakagaling na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Atty. Tetz Lalucis, ang hepe ng Anti-Organized Transnational Crime.

Ka-batch niya si NBI director Atty. Dante Gie-rran, chief of staff Atty. Ernesto Makabari, deputy directors Atty. Pagatpat, Atty. Jojo Yap at Atty. Ferdinand Lavin.

Sinariwa nila ang pagsama-sama nila noong nasa NBI academy pa sila at talagang all out support ang bawat isa sa kanila.

Nakita sa kanila ang pagkakaisa sa kanilang trabaho at nandoon ang tinatawag na nobility, bravery at integrity.

Sabi ni Director Atty. Gierran, napakabata ni Tetz para mamatay, pero God has a reason for this.

Ang mahalaga nandoon ang alaala na ginampanan ni Tetz sa NBI lalo ang lahat ng magagandang accomplishment niya.

Sa ’yo kaibigan Tetz, ang masasabi ko lang, you’ve done your best at NBI.

May you rest in peace ‘tol!

FULL ALERT ANG CUSTOMS
VS ILLEGAL DRUGS

Iniutos ni Commissioner Nick Faeldon sa lahat ng puerto sa ilalim ng Bureau of Customs na magsagawa ng isang pagsisiyasat sa pitong kilong droga na natagpuan at nahuli sa isang Las Piñas warehouse.

Ang illegal na droga ay maaaring pumasok sa bansa sa pamamagitan ng mga port sa Zamboanga at Cebu.

Sabi ni Faeldon, ang BOC ay makikipagtulu-ngan sa Philippine National Police – Drug Enforcement Group para sa mas malalim na imbestigas-yon sa bagay na ito upang matunton ang mga suspek.

Ang enforcement at intel agent ng BOC ay walang tigil sa pagbabantay lalo sa mga kahina-hinalang aktibidades sa lahat ng puerto.

Laging sinisiguro ng Customs na ang mga pumapasok na kargamento sa ating bansa ay legitimate o legal.

Napakahigpit nila ngayon kaya huwag na ninyong balakin na magparating ng mga kontrabando dahil may paglalagyan kayo at ‘di kayo sasantohin ng Customs dahil alerto ang mga tauhan nina Depcom. Raval at CIIS Director Neil Estrella sa paghuli ng mga ilegal na kargamento.

Dagdag ni Faeldon, ang BOC ay mananatiling mahigpit sa pagbabantay upang maiwasan ang pagpasok ng lahat ng anyo ng ilegal na droga pati na rin ang mga kontrabando sa bansa.

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *