Monday , December 23 2024
MRT

MRT system ng PH parang sirang plaka paulit-ulit ang sira!

BUTI pa ang plaka, katanggap-tanggap na maging paulit-ulit kapag sira, kasi ibig sabihin no’n puwede nang itapon.

Pero ang Metro Trail System (MRT) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), kung paulit-ulit ang pagkasira, paulit-ulit din ang prehuwisyo sa mga komyuter.

Prehuwisyo sa maraming aspekto.

Prehuwisyo sa trabaho, sa oras, sa buhay ng bawat pasahero at higit sa lahat prehuwisyo sa buong sistema dahil hindi nakapaglilingkod nang tama batay sa layunin nito na maging pangunahing pang-masang transportasyon sa bansa.

Aba, narinig ba ninyo ang rason ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez noong masira ang MRT noong isang linggo?

Mas mabuti na raw ‘yun kaysa may magbuwis ng buhay.

Wattafak!?

Napakainam na defense mechanism Mr. USEC!

USec. Chavez Sir, palagay naman natin ay nakapagbiyahe na kayo sa ibang bansa at nakita naman ninyo kung gaano ka-efficient ang trail system nila, lalo sa Europe.

Ganoon din sa China, Hong Kong, Japan, at iba pang bansa na gumagamit ng rail system.

Malaking serbisyo sa kanila ‘yan, dahil halos lahat ng mamamayan sa kanila, ‘yang rail system ang ginagamit.

Kaya kapag nagkakaroon ng aberya ang rail system sa kanila, sa sobrang kahihiyan, kung hindi nagpapakamatay e nagbibitiw agad sila sa kanilang trabaho.

Pero rito sa atin sa Filipinas, pakapalan lang ng apog — katakot-takot at hindi matapos-tapos ang aberya ng MRT at LRT — nakapangangatuwiran pa!

“Mas mabuti na ‘yan kaysa magbuwis ng buhay!”

Wattafak!?

Sarap manapak ‘di ba?!

Palibhasa hindi sila sumasakay sa MRT kaya hindi nila maramdaman ang prehuwisyong idinudulot ng ‘laging nasisirang MRT.’

Sonabagan!!!

USec. Cesar Chavez Sir, dapat kung wala kayong magandang sasabihin, itikom na lang ang bibig.

Mag-isip ka kung paano tatapusin ‘yang walang katapusang pagkadiskaril ng MRT, ‘wag dakdak nang dakdak!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *