TAON-TAON isinasagawa ang Brigada Eskwela sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa buong bansa. Isa ito sa mga programang inilulunsad ng Departamento ng Edukasyon.
Pinangungunahan ito ng punong-guro kasama ang mga guro, magulang at mga estud-yante. Layunin ng proyekto na panatilihin ang kalinisan.
Sa gawaing ito inihahanda ang mga mag-aaral at iminumulat sila sa mga gawaing panlipunan. Layunin din ng programa na iiwas sa mga sakit ang estudyante.
Ang Mababang Paaralang Padre Burgos sa Altura St., Sta. Mesa, Maynila ay isa sa mga paaralang nakilahok sa Brigada Eskwela 2017 sa pamumuno ng punong-guro na si Dr. Wilfredo C. Nillo nitong 17 Mayo 2017, araw ng Miyerkoles, ika-8:00 am.
Ang tema ng Brigada Eskwela 2017, “Isang Dep Ed, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan Para sa Handa at Ligtas na Paaralan.’’
Ayon kay Cath Cristobal na sampung taon nang nagtuturo sa Head Start (SPED class) na-tutuwa siya dahil maraming mga mag-aaral ang lumahok kasama ang kanilang mga magulang. Isa sa mga magulang na si Jean Logronio Jubiar, 33 anyos, ang nakilahok sa Brigada Eskwela 2017. Ang kanyang anak na si Dwayne Adrian Jubiar, 9-anyos nasa ikaapat na baitang sa seksiyon 5.
Isa sa ipinagmamalaki ng PBES ang pagkakaroon nila ng CCTV camera na nakatutulong sa seguridad ng mga mag-aaral at mga guro.
Malaking tulong ang pagsasagawa ng Brigada taon taon hindi lamang sa pagpapaganda ng paaralan kundi para rin sa kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante. Naging ma-tagumpay ang pagsasagawa nila ng brigada bilang pagha-handa sa pasukan ngayong Hunyo.
(ni Jessica Lasac)