HATI ang aming reaksiyon sa mismong pahayag ni Sarah Gernonimo sa The Voice Kids kamakailan tungkol sa kung hanggang saan lang ang kanyang naabot na antas sa hay-iskul.
Hindi nangiming aminin ni Sarah na third year high school lang ang kanyang natapos.
Very obvious ang dahilan ng naudlot na pag-aaral ng mahusay na singer. Palibhasa’y maagang nasadlak sa trabahong showbiz ay hindi na niya naipagpatuloy ang pag-aaral.
Sa isang banda, nakalulungkot ang kaso niya coupled with the feeling ng panghihinayang.
But the fact remains na hindi nag-iisa si Sarah thown into a world of goal-driven people na kinakayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Maaaring mahirap, pero kaya. At kung talagang pursigido ang isang tao, nahahanapan ng paraan.
Sorry, pero hindi namin bibilhin kung ang ikakatwiran ni Sarah ay ang maagang pagpasok sa showbiz. May home study program para sa mga tulad niya.
Mayroong informal school na nagbibigay ng mga module para pag-aralan sa bahay. Graded ‘yon.
Sa edad ba ni Sarah ay nahihiya siyang bumalik sa paaralan? It’s never too late, Sarah.
Ang kahalagahan man lang ng edukasyon ang aral na maaari mong ituro sa iyong mga magiging anak. Huwag mo silang iparis sa ‘yo.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III