WINARNINGAN ni Czar Amonsot si Senator Manny Pacquiao na dapat niyang seryosohin si Jeff Horn sa magiging laban nila sa July 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.
Ayon kay Amonsot na tumatayong sparring partner ni Horn sa Australia, malakas at durable fighter ang Australian challenger na magbibigay ng magandang laban sa 8th division world title.
Nasabi iyon ni Amonsot dahil naramdaman niya sa sparring ang lakas ni Horn.
“It’s going to be a good fight because Jeff Horn’s condition looks great, but I’m expecting Pacquiao to be in good shape, too. Left and right hand, Horn is also powerful. I feel his power every time we have a sparring session,” pahayag ni Amonsot sa Manila Times via overseas call on Saturday.
Naniniwala si Amonsot na tubong Tagbiliran, Bohol na worthy opponent si Horn (16-0-1, 11 KOs. Hindi biro ang pagiging No. 1 nito sa WBO sa welterweight class.